Kuwento ni Swarding sa MMK

Mamayang gabi, pagkatapos ng seryeng Sana’y Wala Ng Wakas, mapapanood ang kwento ng radio personality at showbiz columnist na si Roberto "Tita Swarding" Espena sa Father’s Day edition ng Maalaala Mo Kaya. Gagampanan ni Vhong Navarro ang role ni Swarding kasama si Manilyn Reynes. Host si Charo Santos Concio.

Panoorin kung paanong ang on air showbiz expert na may duda sa kanyang sexuality ay na-seduced ng kanyang isang fan na si Betty (Reynes) at naging ina ng kanyang anim na anak.

Mabuti bang ama si Swarding? Panoorin ang Maalaala Mo Kaya para malaman, ngayong gabi sa ABS CBN Ch. 2.

Show comments