Magtitipon sa ilalim ng isang bubong ang dalawang mainstream crowds ng Original Pilipino Music (OPM) na kumikilala kina Freddie Aguilar at Mike Hanopol bilang mga pangunahing exponents ng folk at rock music respectively.
Kung di man naging aktibo ang dalawa sa concert stage ng may ilang taon, ang dahilan ay naging okupado sila sa pagkukumposo ng kani-kanilang uri ng mga awitin.
Ang engkwentro, na pinamagatang Anak Ng Jeproks ay matagal nang pinag-isipang itanghal. Una itong inareglo noong 1984 sa New Bodega Manila Folkhouse sa Ermita kung saan music director si Freddie.
Subalit, hindi mapilit si Mike Hanopol na umuwi ng Maynila para sa isang back-to-back concert nila ni Aguilar. Kapanahunan ng "Folk Music Revival" at busy din si Hanopol sa New York City sa mga musical engagements kasama ang ilang sikat na concertists sa Amerika gaya nina Kenny Rogers, Ink Spots, The Platters at Willie Nelson.
Lumalabas din siya sa mga entablado ng Sheraton Hotel, Ramada Holiday Inn at iba pa sa New York.
Samantalang si Freddie Aguilar ay naiwan sa Maynila kung saan namamayagpag ang kanyang career sa recording at entablado.
Sa bakas ng matagumpay na pagtanggap ng kanyang awiting "Anak," na ngayoy nakabenta na ng mga 50-milyong plaka sa 20 wika, abut-abot ang parangal na tinanggap ni Freddie Aguilar sa concert stage at recording industry.
Inaasahang, mapapatunayan sa engkwentro mong talagang buhay pa ang gamay ng dalawang uri ng OPM sa bansa.
Dito rin masusukat kung talagang "in" pa nga sa market ng recording industry ang dalawang batikang composer-performer ng OPM!