Nung 98, naging bida rin siya sa Mortal Kombat, isang maaksyong palabas na napanood dito sa bansa sa Cable Channel.
Bumalik ng bansa si Paolo para i-promote ang kanyang self-titled album, ang kanyang kauna-unahan ever. Inilunsad ito sa SOP, na kung saan ay linggu-linggo nang mapapanood si Paolo hanggat di pa siya bumabalik ng US sa katapusan ng buwan ng Hulyo.
May 11 awiting nakapaloob sa album at bagaman at ang napiling carrier single nito ay ang "Kung Di Tayo Paano Na?", personal favorite ko ang revival ng isang naging hit nun ni Joanna Lorenzana, ang "Kung Alam Mo Lang". Ang isa pang Tagalog song sa album na pinangingiliran ng luha ni Paolo kapag kinakanta niya ay ang "Ikaw" ni Sharon Cuneta. "I see someone in the song," sabi niya.
Ang mga English songs sa loob ng album ay naawit niya ng buong husay, "She", "Pure Imagination", "Close Upon The Hour", "One", "Do I Love You Because Youre Beautiful/I Have Dreamed", "Next To Me", "Your One and Only Man" at "Hold Me Thrill Me Kiss Me/Only You", isang bonus track na dedicated to his mom.
Kahit malayo ang kanyang ina at nakatira siya sa isang kapatid na lalaki nito sa Magallanes, inamin ni Paolo na may mga bagay pa siyang ipinagpapaalam dito. Gaya ng kung saka-sakali ay pagpunta niya ng probinsya para mag-promote. Ipinaliwanag niya na mag-aalala ang kanyang ina ng lubha kapag di nito nalaman ang mga pupuntahan niya sa labas ng Maynila.
Sa kanyang gulang, nasa kalendaryo pa siya, inamin ni Paolo na wala pa siyang asawa o girlfriend sa kasalukuyan. Wala rin siyang anak na tulad ng maraming binata nating artista.
May mga offers siya para gumawa ng pelikula pero, pinag-iisipan pa nila itong mabuti ng kanyang tiyuhin na tumatayong manager niya rito. Sa US ay may bago siyang manager. "I went back to the US, fired my agent and got a new one."
Maraming excited nang sabihin niya na crush niya si Regine Velasquez. Bakit naman hindi eh pareho silang wala pang sabit. Pareho rin silang sikat. Hindi kaya sila ang itinakda ng panahon?
Hintayin na lang natin ang susunod na kabanata. Basta ako, nakakita na ng singer na muling hahangaan pagkatapos mawala sa eksena ni Chad Borja.
Si Arianne bale ang leading lady dito ni Jeric. Ang tentative title nito ay Onse, sa direksyon ni William Mayo at produced ni Lito A. Marcos.
Very challenging ang role dito ni Arianne. Bukod sa paghuhubad kinakailangan niyang magsanay ng action stunts at pagpapaputok ng baril. Isang assassin ang role niya rito.
"Sana, magtuluy-tuloy ang swerte ko, para makatulong ako sa pamilya ko," anang nag-iisang artista ng Caibiran, Biliran Province.
Bagaman at madalas na sa ABS-CBN mapanood si Jeffrey, sa programa ng GMA, ang Idol Ko Si Kap una silang nagkatrabaho ni Bong. At marahil ay dito nakita ni Bong ang kanyang potensyal kaya siya isinama sa Bertud ng Putik.
Tapos ng interior designs si Jeffrey at myembro ng popular na grupong Hunghangs kasama sina Long Mejia, Brad Pit at Dencio Padilla, Jr.