^

PSN Showbiz

Paolo Montalban, internatioanl star ang RP's newest recording artist

- Veronica R. Samio -
Ang swerte naman ng Vicor Music Corporation, isang international star ang bago nilang recording artist. Ito si Paolo Montalban na gumawa ng ugong sa US nang makuha ito para gumanap ng Prince Charming kapareha ng isang sikat na singer, si Brandy, sa isang modern day version sa pelikulang Cinderella na prodyus ng sikat ding si Whitney Houston na siyang gumanap ng role ng fairy godmother sa movie.

Nung ’98, naging bida rin siya sa Mortal Kombat, isang maaksyong palabas na napanood dito sa bansa sa Cable Channel.

Bumalik ng bansa si Paolo para i-promote ang kanyang self-titled album, ang kanyang kauna-unahan ever. Inilunsad ito sa SOP, na kung saan ay linggu-linggo nang mapapanood si Paolo hangga’t di pa siya bumabalik ng US sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

May 11 awiting nakapaloob sa album at bagaman at ang napiling carrier single nito ay ang "Kung Di Tayo Paano Na?", personal favorite ko ang revival ng isang naging hit nun ni Joanna Lorenzana, ang "Kung Alam Mo Lang". Ang isa pang Tagalog song sa album na pinangingiliran ng luha ni Paolo kapag kinakanta niya ay ang "Ikaw" ni Sharon Cuneta. "I see someone in the song," sabi niya.

Ang mga English songs sa loob ng album ay naawit niya ng buong husay, "She", "Pure Imagination", "Close Upon The Hour", "One", "Do I Love You Because You’re Beautiful/I Have Dreamed", "Next To Me", "Your One and Only Man" at "Hold Me Thrill Me Kiss Me/Only You", isang bonus track na dedicated to his mom.

Kahit malayo ang kanyang ina at nakatira siya sa isang kapatid na lalaki nito sa Magallanes, inamin ni Paolo na may mga bagay pa siyang ipinagpapaalam dito. Gaya ng kung saka-sakali ay pagpunta niya ng probinsya para mag-promote. Ipinaliwanag niya na mag-aalala ang kanyang ina ng lubha kapag di nito nalaman ang mga pupuntahan niya sa labas ng Maynila.

Sa kanyang gulang, nasa kalendaryo pa siya, inamin ni Paolo na wala pa siyang asawa o girlfriend sa kasalukuyan. Wala rin siyang anak na tulad ng maraming binata nating artista.

May mga offers siya para gumawa ng pelikula pero, pinag-iisipan pa nila itong mabuti ng kanyang tiyuhin na tumatayong manager niya rito. Sa US ay may bago siyang manager. "I went back to the US, fired my agent and got a new one."

Maraming excited nang sabihin niya na crush niya si Regine Velasquez. Bakit naman hindi eh pareho silang wala pang sabit. Pareho rin silang sikat. Hindi kaya sila ang itinakda ng panahon?

Hintayin na lang natin ang susunod na kabanata. Basta ako, nakakita na ng singer na muling hahangaan pagkatapos mawala sa eksena ni Chad Borja.
*****
Pagkatapos siyang pagpyestahan sa Kikay na ikinagalit ng kanyang manager na si Jojo Veloso dahil sa di raw pagsunod sa pinag-usapan nila ng pamunuan ng El Niño Films, heto at sasabak na naman sa walang humpay na hubaran si Arianne Espina sa pelikula ng Seeds of Zion Films, Inc, ang film outfit na nag-produce ng controversial na Lapu Lapu. Pagbibidahan ito ni Jeric Raval.

Si Arianne bale ang leading lady dito ni Jeric. Ang tentative title nito ay Onse, sa direksyon ni William Mayo at produced ni Lito A. Marcos.

Very challenging ang role dito ni Arianne. Bukod sa paghuhubad kinakailangan niyang magsanay ng action stunts at pagpapaputok ng baril. Isang assassin ang role niya rito.

"Sana, magtuluy-tuloy ang swerte ko, para makatulong ako sa pamilya ko," anang nag-iisang artista ng Caibiran, Biliran Province.
*****
Maaaring hindi kayo maniwala pero, may 11 set of dentures si Jeffrey Tam, ang mabilis na sumisikat na komedyante na lumalabas bilang sidekick ni Bong Revilla sa Bertud ng Putik, ang entry ng Imus Productions sa ginaganap na Manila Film Festival. Ang mga ngipin na ito na siyang trademark ni Jeffrey ay ginagamit niya sa kanyang pagpapatawa.

Bagaman at madalas na sa ABS-CBN mapanood si Jeffrey, sa programa ng GMA, ang Idol Ko Si Kap una silang nagkatrabaho ni Bong. At marahil ay dito nakita ni Bong ang kanyang potensyal kaya siya isinama sa Bertud ng Putik.

Tapos ng interior designs si Jeffrey at myembro ng popular na grupong Hunghangs kasama sina Long Mejia, Brad Pit at Dencio Padilla, Jr.

ARIANNE ESPINA

BERTUD

BILIRAN PROVINCE

BONG REVILLA

BRAD PIT

ISANG

JEFFREY

KANYANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with