Kung kami ang naging judge sa
Star In A Million tiyak na nahirapan kami na piliin kung sino ang magu-goodbye sa third-set-of-5 finalists last Sunday sa
ASAP Mania. Ang new batch ng limang kasali sa
Star In A Million ay sina
Aicelle Santos, Criselda Bañez Czarina Rosales, Angelo Dominguez at
Marnelle Santos. Ang natatanging male contestant na si Angelo ang na-eliminate gayung mataas din ang kanyang nakuhang vote sa texters choice. Well, hindi rin matatawaran ang mga choices ng judges like
Barbie ng
Barbies Cradle, Girlie Rodis, director
Ms. Trina Dayrit at ang wala pa ring kupas na si
Donna Cruz.
Kapana-panabik talaga ang naging elimination, kung saan ang tatanghaling June winner at ihahanay sa mga past winners na sina
Christian Bautista at
Gayle Dizon.
Malapit na ang debut ng young actress na si
Camille Prats on June 21 sa Isla Ballroom ng EDSA Shangrila Plaza. Camille whos actually turning 18 on June 20, wishes more blessings to come for her career and family. Nais ding makatapos ni Camille ng kursong MassCom, major Advertising sa Thames International School. In fact, para makapagtapos ng kurso, plano ng dalaga na sa abroad tapusin ang remaining years niya sa pag-aaral.
Nung pamiliin ng movie press si Camille kung ano ang kanyang pipiliin, a tour-around the world o ang grand debut package, mas pinili ni Camille ang huli dahil minsan lamang mangyari ang ganito sa buhay ng isang babae. Samantalang pwede nga naman siyang makapag-abroad kapag kumikita na at nasa tamang panahon.
Hindi na idinenay ni
Claudine Barretto na napag-uusapan na rin nila ng kasintahang si
Raymart Santiago ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. In fact, Claudine told us na, kung siya ang pamimiliin sa isang garden, beach o church wedding, mas pipiliin niya ang huli dahil isang sagradong seremonyas nga naman ang magaganap mismo sa loob ng simbahan, although ang gusto ni Claudine before ay isang beach wedding. Mala-
Nora Aunor na beach wedding with
Christopher de Leon, more than two decades ago.
Nasa
MTB na si
Dagul at masayang karagdagan ito sa noontime show. Kung hindi sana nagkaroon ng problema sa kontrata ni
Long Mejia, baka nakasama na rin ito sa paglipat ng kaibigang si Dagul.
Nasa
ABS-CBN na kasi ang kanilang manager na si
Ipe Felino at sa paglipat nito, ninais na rin ng dalawa na sumama sa kanilang mentor at discoverer. Yun nga lang, si Dagul ang di nagkaroon ng problema at si Long ay pansamantalang naghihintay ng kanyang paglaya sa kabilang network.
Mahirap na kasing mabutasan pa ng ilang legalities kapag isinama na rin si Long sa nasabing noontime show.