Naikwento nito sa ilang kapatid sa hanapbuhay na siyay isang battered wife. Nasabi rin ito ng aktres sa isang showbiz-oriented talk show at nalungkot ang mga kamag-anak ng asawa niya dahil sa kanyang ginawang pagtatapat. Wala naman daw silang ipinakitang masama sa aktres at naging maganda ang trato nila rito.
Sa palagay ko, isa siguro sa dahilan kung bakit hindi naging matagumpay ang kanilang married life ay dahil sa agwat ng kanilang edad immature pa ang lalaki at nahirapang mag-adjust sa ugali ni Priscilla.
Pero hindi rin natin alam kung ano talaga ang dahilan dahil may nakarating ding balita sa akin na handa pa ring tanggapin ng asawa si Priscilla kahit nagsalita na ito sa TV.
Tuloy pa rin naman ang komunikasyon nila ng ex-wife through text messages. Alam niyang nasa Guam ito ngayon for a singing commitment.
Sa kabilang banda, nalulungkot ang komedyante dahil nasira ang kanyang pangarap na maging role model sa basketball scene dahil sa ginawang force retirement sa kanya ng Shell kung saan naging bahagi siya ng koponan sa mahabang panahon.
Kinuha si Benjie ng San Miguel at maglalaro siya rito ng dalawang buwan. Kapag napatunayan na magaling pa rin ang performance niya ay baka ma-extend ang kanyang kontrata rito.
Kasama pa rin si Benjie sa soap opera na Narito Ang Puso Ko na tinatampukan nina Jolina Magdangal, Raymart Santiago at James Blanco.
Dahil sa kanyang new look ay pwede na siyang tumanggap ng role na bida-kontrabida. Pinabulaanan ng magandang aktres na nagbago na ang kanyang pag-uugali. "Nakatungtong pa rin ang paa ko sa lupa. Utang ko pa rin ang tagumpay ko sa mga taong nakatulong at makakatulong pa sa aking career lalo na ang mga taga-GMA 7."
Ang hindi namin matanggap ay ang klase ng kanyang kamatayan. Hes already 72 years old at isang mabuting tao. Sana ay mabigyan agad ng hustisya ang kanyang kamatayan at mahuli agad ang kriminal.