Iza at Brad muna sa Extra! Extra!

Kakaiba ang episode ng Extra! Extra simula ngayong araw, Hunyo 9 hanggang 13 dahil sina Brad Turvey at Iza Calzado ang matutunghayang host ng programa nina Paolo Bediones at Miriam Quiambao sa isang linggong nakakaaliw at kapana-panabik na segments. Dahil nga nagse-celebrate ang GMA ng ika-53 anibersaryo nito, guest hosts ang matutunghayan sa Extra! Extra sa buong buwan ng Hunyo.

Kakaiba ang matutunghayan mula kina Brad at Iza, hindi lang dahil sa ngayon lang natin sila makikitang magho-host ng isang magazine show kundi dahil sa memorable ang mga gagawin nila para sa mga manonood. Tulad na lang ng Extra Trip bukas, haharapin ng dalawa ang mga kinatatakutan nila. Si Iza ay mamumundok sa Famy, Laguna kasama si Paolo Bediones habang si Brad naman ay mapipilitang mag-rappelling sa waterfalls ng Montalban, Rizal kasama si Miriam Quiambao.

Huwag palampasin ang naiibang linggo ng Extra! Extra kasama sina Brad at Iza ngayong Hunyo 9-13, 5:30 ng hapon sa inyo lamang Kapuso, GMA

Show comments