Gayunpaman, ipinangako ni Raffy na mas pahahalagahan ng kanyang bagong programa ang agarang solusyon kaysa sa pagbabatikos lamang. "This program deals with solutions to problems. Iba ito sa mga programang puro batikos lang tapos ipapasa sa awtoridad ang kaso para aksyunan. Sa Problema Nyo Sagot Ko, kapag may ipinakita kaming kaso, pagkatapos ng show nasolusyunan na rin iyon."
Nagsimula ang programa bilang 5-minutes news segment sa Balitang-Balita ng ABC5. Dinagsa ng mga reklamo ang programa kung kayat naisipang palawakin ito at gawing 30 minuto araw-araw. Ikinagagalak naman daw ni Raffy na mabigyan ng opurtunidad upang higit na makatulong sa mga kababayan na nangangailangan.
At kahit na nasa serbisyo publiko ang puso ni Raffy, at artistahin ang dating (inamin niya na siya ang may pinaka-charming na ngiti sa magkakapatid), idiniin pa rin niya na wala siyang agendang pulitikal.
"Hinding-hindi ako tatakbo sa pulitika. Gusto ko yon linawin ngayon pa lang. Mas marami ang matutulungan ko, kapag nasa media ako kesa sa isang government post. No politics, defenitely not!"
Ang co-production agreement sa pagitan ngABC5 at Problema Nyo Sagot Ko ay nilagdaan nina (sitting l-r) ABC5 Pres. Edgardo Roces, host Raffy Tulfo at ABC5 EVP Roberto Limgenco. Kasama rin sina (standing l-r) ABC5 SVP for Corporate Affairs Terra Daffon, VP for Programs Acquisition Vic Vianzon at OIC for Marketing Malou Vergel.
Nag-premiere ang Problema Nyo Sagot Ko nung Hunyo 2 at patuloy na nagbibigay ng serbisyo publiko Lunes-Biyernes, 7 n.g. sa ABC5.