^

PSN Showbiz

Ayaw sa pulitika, mas gustong mambatikos

-
Kung sakali mang tatakbo si Raffy Tulfo sa 2004 election, siya ang kauna-unahang sasabak sa pulitika sa lahi ng mga Tulfo. Pero mukhang mas hilig yata niya ang mambatikos kaysa batikusin, na siya namang pinatunayan ng kanyang bagong public service program na inilunsad kamakailan sa ABC 5.

Gayunpaman, ipinangako ni Raffy na mas pahahalagahan ng kanyang bagong programa ang agarang solusyon kaysa sa pagbabatikos lamang. "This program deals with solutions to problems. Iba ito sa mga programang puro batikos lang tapos ipapasa sa awtoridad ang kaso para aksyunan. Sa Problema N’yo Sagot Ko, kapag may ipinakita kaming kaso, pagkatapos ng show nasolusyunan na rin iyon."

Nagsimula ang programa bilang 5-minutes news segment sa Balitang-Balita ng ABC5. Dinagsa ng mga reklamo ang programa kung kaya’t naisipang palawakin ito at gawing 30 minuto araw-araw. Ikinagagalak naman daw ni Raffy na mabigyan ng opurtunidad upang higit na makatulong sa mga kababayan na nangangailangan.

At kahit na nasa serbisyo publiko ang puso ni Raffy, at artistahin ang dating (inamin niya na siya ang may pinaka-charming na ngiti sa magkakapatid), idiniin pa rin niya na wala siyang agendang pulitikal.

"Hinding-hindi ako tatakbo sa pulitika. Gusto ko yon linawin ngayon pa lang. Mas marami ang matutulungan ko, kapag nasa media ako kesa sa isang government post. No politics, defenitely not!"

Ang co-production agreement sa pagitan ngABC5 at Problema N’yo Sagot Ko ay nilagdaan nina (sitting l-r) ABC5 Pres. Edgardo Roces, host Raffy Tulfo at ABC5 EVP Roberto Limgenco. Kasama rin sina (standing l-r) ABC5 SVP for Corporate Affairs Terra Daffon, VP for Programs Acquisition Vic Vianzon at OIC for Marketing Malou Vergel.

Nag-premiere ang Problema N’yo Sagot Ko nung Hunyo 2 at patuloy na nagbibigay ng serbisyo publiko Lunes-Biyernes, 7 n.g. sa ABC5.

CORPORATE AFFAIRS

EDGARDO ROCES

MALOU VERGEL

PROBLEMA N

PROGRAMS ACQUISITION

RAFFY

RAFFY TULFO

ROBERTO LIMGENCO

SAGOT KO

TERRA DAFFON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with