Ang magkumpare ay parehong may magkahiwalay na sitcoms sa Siyete. Si Bong ay may Idol Ko Si Kap habang si Daboy naman ay may Daboy en Da Girl.
Ang istorya ng Mano Po 2 ay totally kakaiba sa naunang Mano Po.
Sa original cast ng Mano Po, tanging si Kris Aquino lamang ang na-retain at ang iba ay pawang bago, including the director na si Erik Matti.
"At least, in my entire movie career, makakatrabaho ko na ang movie queen na si Tita Susan. Ang mommy (former Pres. Cory Aquino) ko ay isang Susanian kaya tuwang-tuwa siya nang malaman niyang magkakasama kami sa movie ni Tita Susan and I will be portraying the young Susan in the movie," natutuwang kwento ni Kris.
Sinabi naman nang nagbabalik-pelikulang si Susan na super excited siya sa proyektong ito dahil bukod sa napakalaking production ito, pawang first time niyang makakasama ang bumubuo ng cast.
Idinagdag ni Susan na swerte umano sa kanya ang June 6 dahil 47 years ago, June 6 din nang pumirma siya ng kontrata sa Sampaguita Pictures bilang build-up star ng nasabing movie outfit. June 6 din nang pumirma siya ng kontrata sa Regal para sa pelikulang Mano Po 2.
Nag lie-low man si Susan sa larangan ng pag-arte, masugid naman siyang taga-subaybay ng ibat ibang teleserye sa telebisyon, game shows at maging mga talk shows kaya updated pa rin siya sa mga kaganapan sa showbiz.
Ayon naman kay Boyet (Christopher), pinanood umano niya ang Mano Po at talagang na-impress siya sa pelikula. Ngayong kasama na siya sa Mano Po 2 ay dobleng excitement ang kanyang nadarama.
Gusto naman ni LT maging bida/kontrabida ang kanyang role sa pelikula dahil sawa na umano siya na parati na lamang mabait ang role na kanyang ginagampanan.
Samantala, sinabi sa amin ni LT na extended ang Kay Tagal Kang Hinintay until September kaya mahigit pang tatlong buwan na aabangan ang well-followed teleserye na kanyang pinangungunahan.
Although kilala si Kris sa paggamit ng mga branded at mamahaling bags, isang taon umano niyang isasantabi muna ang kanyang mga Prada at Louis Vuitton bags niya bilang pagsuporta sa kanyang bagong ini-indorsong brand ng bags. Katunayan, nang dumating ito sa contract signing ay naka-Leonardo bag na siya. Kaya tuwang-tuwa ang managing director ng Leonardo na si Susan Tan at ang VP for marketing na si Eric Javier.
Ang maganda kay Kris, she give suggestions at open naman ang Leonardo sa kanyang ideas.