Ayon sa kanila, ang importante ay pareho silang masaya sa kinalabasan ng pelikula at excited na sila kung ano ang magiging reaksyon ng publiko sa kanilang performance. Sabi rin nila na kung todo-todo man ang pagbo-bold at pagpapaseksi nila ay di rin ito malaking isyu para sa kanila dahil naniniwala sila sa proyektong ito ng JAGGS at Neo Films. Masaya rin sila dahil isang magaling at respetadong director, si Joel Lamangan, ang nakatrabaho nila.
Isang prostitute ang role ni Ara sa pelikulang ito at siya rin ang katulong ni Jay Manalo, isang paring nagkukunwaring nagmimilagro, sa panlilinlang nito sa mga taong nakatira sa kanilang barrio. Sa kagustuhang kumita ng pera, nagpagamit nang todo-todo si Ara kay Jay sa maka-mundong gawain niya.
Isang nakakalokang eksena rin dito ay nang linisin ni Ara ang ari ni Jay bago sila magtalik. At sa bawat tagumpay nila sa panloloko ng mga taong nananalig sa sinasabing himala ay katumbas ang mainit na selebrasyon nilang dalawa sa isang kama.
Istorya naman ng isang retarded na kapatid ni Ara ang ginampanang papel ni Maui sa Ang Huling Birhen Sa Lupa. Sa pelikula ay ni-rape ang magkapatid ng limang manyak na kalalakihan. Ayon kay Maui, ito raw ang pinaka-challenging requirement para sa role nila. "Habang kinukunan namin ng eksena ito, pakiramdam ko ay nire-rape talaga kami. Hinayaan ko silang gawin ang gusto nila sa kin para lumabas na realistic yung eksenang yon," wika pa ni Maui.
Walang kaduda-duda ang tagumpay ng pelikulang Ang Huling Birhen Sa Lupa na entry ng JAGGS at Neo Films sa 2003 Manila Film Festival dahil may Ara na, may Maui ka pa! Yun na!