Inamin nito na sa nakaraang tatlong boyfriend ay madalas siyang makipag-sex pero nagkakahiwalay din sila. Mabuti na lang at di nalaspag ang katawan ng sexy star at na-maintain ito dahil ganadong mag-work-out.
Kahit halos 10 taon nang di gumawa ng pelikula si Mayor Rey Malonzo ay kinakitaan pa rin ito ng galing sa pag-arte bilang commander marine soldier na ipinadala sa Mindanao para labanan ang terorista.
Sinabi nga ni Cirio Santiago na siya ring nagdirek ng pelikula ay malaki ang pag-asang manalo si Mayor Rey bilang best actor sa darating na MFF awards night. Ginastusan ang pelikula ng halos 25 milyon dahil sa special effects at mga battle scenes na ginamit.
Dahil sa hirap na dinanas sa ilang eksena gaya ng barilan sa beach ay nagkasakit si Mayor Rey.
Ang Operation Balikatan ay entry ng Premiere Production sa MFF na magsisimula sa June 11.
Ano naman ang pinagkakaabalahan mo? Tanong namin.
"Naging abala ako sa pagdi-develop ng mga kabataang nag-aaral ng taekwondo sa ibat ibang panig ng lalawigan. Busy din ako sa youth program na isinasagawa ng Philippine Taekwondo Association of the Philippines, ng Philippine Sports Commision at Philippine Olympic Association. Ang mga kabataang magagaling sa taekwondo ay ipinadadala namin sa ibang bansa para makipag-compete sa larangang ito at nabibigyan din namin sila ng education sa La Salle, Ateneo at iba pang unibersidad.
"On-going ang programang ito dahil gusto naming makatulong sa mga kabataan para mailayo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot," paliwanag ni Monsour.
Nakasali na si Monsour sa Olympics noong 1988 pero di nanalo. Nakabawi naman siya sa SEA Games sa Seoul, Korea kung saan tinanghal na world champion sa taekwondo. Nanalo rin siya sa Barcelona, Spain. Mas type niya ang taekwondo kaysa sa arnis dahil hindi pala ito (arnis) nare-recognize globally.
Bukod sa pelikula ay mainstay siya sa Narito ang Puso Ko kasama ang nali-link sa kanyang si Dina Bonnevie.
Nagkita na ba kayo ng mga anak ni Dina? "Nagkita na kami ni Danica pero wala kaming time na mag-usap. Okey naman sila dahil protective sila sa kanilang mommy pagpapatunay lang kung gaano nila kamahal ang aktres. Saka magkaibigan lang talaga kami ni Dina," aniya.
Inamin ni Mon na certified binata pa rin siya hanggang ngayon at wala pang lovechild sa mga naging nobya nito.
Hindi magpapahuli ang mga ito kung gandang lalaki ang pag-uusapan at mas bata sila mula sa edad 13 hanggang 16. Pang-wholesome ang kanilang image pero may ibat ibang klase ng personalidad ang bawat isa. May tahimik, may ma-PR, may patingin-tingin lang at may listo. Wala pang karanasan sa sex ang apat.
Inamin pa rin ng G4 na handa na sila sa intriga. Nagbibiro nga ang mga kapatid sa hanapbuhay at sinabing kung may F4 ng Meteor Garden ay may G4 naman ng Bulacan Garden, o di ba? Bale sila rin ang pumalit sa Gwapings noon.
KABADO NA
First directorial job ni Louie Ignacio ang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka ng Viva Films at natutuwa kami para sa aming kaibigan. Kahit excited si Direk ay abut-abot ang kaba nito.