^

PSN Showbiz

Cogie abala sa banda

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Bukod sa pag-aartista ay may isa pang pinagkakaabalahang propesyon si Cogie Domingo ngayon, ang pagbabanda. Gitara at drums ang hinahawakang instrumento ng gwapong young actor.

Akala rin nami’y nagbibiro siya nang sabihin niya sa amin na tutugtog na raw sila sa isang bar sa Eastwood sa Libis. Anibersaryo ng isang kompanya at nahilingan silang mag-guest sa okasyon, kaya pinanood namin sila.

Mas malakas ang mga sigaw sa paligid kaysa sa kanta ng banda, dahil maraming kababaihan ang kinikilig sa kagwapuhan ni Cogie.

At hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, dahil anak-anakan namin si Cogie, pero sa kanyang mga kagrupo naman kasi ay pinakalutang ang kagandahan-lalaki ng young actor.

Nagpagupit pa siya ng araw na ’yun na mas bumagay sa kanya. Talagang pangalan niya ang isinisigaw habang naka-set ang kanilang banda.

Noon pa mahilig kumanta si Cogie, hindi pa naman ganun kakinis ang kanyang boses, pero hindi siya nakaiiritang pakinggan at hindi siya nangangailangan ng ghost singer.

Napatunayan namin ’yun nang maging guest siya sa birthday concert ni Alma Moreno sa Cuneta Astrodome, napakataas ng tono ng Kung Mawawala Ka, pero tinapos niya ’yun nang walang sabit.

Syempre mas malakas ang mga tilian sa paligid, malakas ang dating sa publiko ni Cogie at isa ’yun sa mga nagpapalakas ng kanyang loob.

Tapos na ang seryeng pinagtatambalan nila ni Sunshine Dizon sa Siyete, ang Kung Mawawala Ka, pero may bago nang programang nakalaan ang network para kay Cogie.

Mahal ng istasyon ang batang aktor. Kahit nu’ng mga panahon kung anu-anong isyu ang idinidikit sa pangalan ni Cogie ay hindi siya pinabayaan ng Siyete, buong-buo pa rin ang tiwala sa kanya ng network.
* * *
Pansamantala, habang hindi pa nagsisimula ang taping ng bago niyang programa sa Channel 7 ay magiging abala muna si Cogie sa pagtugtog, kasama ang iba pang gwapong kabataang myembro ng Fairground.

Malakas ang kanilang dating sa sirkulo ng mga kabataan, dahil tanggapin natin ang katotohanan na kadalasan ay walang pakialam ang ibang tao sa ganda ng boses at galing ng banda, ang tinitingnan nila ay ang itsura ng mga myembro ng banda.

At sa aspetong ’yun ay panalo ang Fairground, may itsura silang lahat.

Maraming oras niya ngayon ang kinakain ng band rehearsal, inaabot sila ng madaling-araw sa pag-eensayo.

vuukle comment

ALMA MORENO

ANIBERSARYO

BUKOD

COGIE

COGIE DOMINGO

CUNETA ASTRODOME

KUNG MAWAWALA KA

SIYETE

SUNSHINE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with