Kuwento ng Pag-ibig ni Ogie sa SOP
June 8, 2003 | 12:00am
Ngayong Linggo, sa nangungunang musical variety show na SOP, ang pop star at kompositor na si Ogie Alcasid ay maglulunsad ng kanyang bagong album, pinamagatang "Mga Kwento Ng Pag-ibig." Ang bagong album ay sa ilalim ng produksyon ng Viva Records at ang sariling label ni Ogie na Giant Music, ito rin ang 15 anibersaryo ni Ogie sa showbis. Ito ay naglalaman ng 15 na kanta, lahat ay orihinal at mga bagong naisulat ni Ogie, gaya ng "Huwag Ka Lang Mawawala", "Kailangan Kita" at "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka", "Pangako Ko Sa Yo", "Kayo Na Pala", "Magpakailanpaman" (ang duet nila ni Regine Velasquez), "Para Lang Sa Yo", "Hindi Magbabago", "Huwag Mong Iwan Ang Puso", "Di Ko Na Kayang Masaktan Pa", "Ikaw Na Nga Kaya", "Lumilipad" at "Panginoon", ang tribute ni Ogie sa Poong Maykapal.
May karagdagang ispesyal na 28 page booklet ang album na ito na kasama sa compact disc, may mga lyrics at mga larawang kinuha ng mga kilalang photographers na sina Ronnie Salvacion, Raymond Lauchengco at Wig Tysman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended