Kinumusta rin namin si Claudine Barretto at open na siya sa kanilang relasyon. Inamin nito na sanay ang aktres na ang babaeng maihaharap niya sa dambana. Boto sa kanya ang buong pamilya lalo na ang mommy ni Claudine. "Two years from now ay magpapakasal na kami at gusto ko, July 20 dahil pareho naming birthday ang petsang yun. Nasa tamang edad na naman kami. Im 29 years old now and shes 23.
"Maasikaso si Claudine at talagang mahal na mahal ko. Bata pa ay kilala ko na siya pero bigla ang naging damdamin ko sa kanya. May sarili na akong bahay na titirhan namin sakaling makasal kami pero mas feel niya na ipagbili na lang ito at magpagawa kami ng bahay dahil gusto niyang mag-share kami," ani Raymart.
Sinabi pa rin ng action star na sabay ang mga araw na wala silang taping ni Claudine sa kani-kanilang soap opera kaya magkasama sila sa mga lakaran tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Samantala, katambal siya ni Jolina Magdangal sa Narito Ang Puso Ko na mapapanood na rin simula bukas.
"Noong first taping day namin ay para kaming barkada. Kadalasan ay hindi nasusunod ang script at kanya-kanya ang adlib ng mga artista. "Nagpaalam naman ako sa News and Current Affairs at nagpapasalamat ako dahil pinayagan nila ako na tanggapin ang sitcom kaya lang bawal ang batuk-batukan ako, bawal ang mga masasamang salita o kaya yung paglaruan ang aking pagkatao. Nagpapasalamat ako kay Mayor Joey dahil siya talaga ang nagpumilit para mapasama ako sa show," sey ni Love.
Malaking tulong ang sitcom sa kanyang pamilya dahil nagpapa-renovate na sila ng binili niyang bahay sa Leyte. "Pangarap kong makabili ng sasakyan dahil nagko-commute lang ako hanggang ngayon. Nagpapadala ako ng pera sa nanay ko buwan-buwan para sa pangangailangan nila doon," dagdag pa nito.
Seven years na sa The Probe Team si Love pero ngayon lang nakikilala ng husto lalo na nang mapasama sa Unang Hirit.
Ayon sa magaling na director ay namatay na ng kusa ang tsismis noon sa kanila. Lahat kasi ng project nito ay laging kasama ang seksing aktres. "Malambing si Mau pero wala kaming relasyon at nananatili kaming mabuting magkaibigan. Magaling siyang umarte lalo na sa komedi kaya natuwa ako nang malamang kasama pala siya sa sitcom na ididirek ko sa Siyete, " aniya.