Young actress kailangan ng psychology

One year na next month bilang chairman ng Videogram Regulatory Board si Bong Revilla. Kaya nagpa-plano siyang mag-launch ng infomercial next month para malaman na rin ng marami kung ano ang epekto ng kanilang campaign against piracy. Umabot daw kasi sa almost P4.3 billion ang halaga ng nakumpiska nilang pirated DVDs, VCDs and CDs. "Malaking achievement na ‘yun for me," he said sa isang informal presscon kahapon para sa latest movie niyang Bertud ng Putik. Siya lang kasi ang nag-iisang VRB chair na naka-accomplished nang ganoon kalaking halaga sa history ng VRB. "Kailangan kasing gawin para naman malaman ng mga taong gustong kumita sa illegal na paraan," he adds.

Wala kasi talagang takot ang namimirata sa bansa as in talamak. Pero kahit paano naman, nabawasan ‘yun nang umupo sa puwesto si Bong.

In any case, okey na sila ni Assunta. Nag-sorry na ng personal ang actress sa kanya nang minsang magkita sila. Sinabi raw ng actress na hindi naman talaga siya ang pinatatamaan niya kundi ang mother niya at ang dati niyang manager. "Niyakap niya ako," sabi pa niya na sobrang excited sa kanyang latest movie, Bertud Ng Putik na entry sa Manila Film Festival. "Malaki kasi ang nagastos namin sa movie na ‘to (almost P30 million) kaya medyo natatakot kami. Hindi rin namin kabisado ang June. At least pag-December, alam nating maraming gustong manood. Pero confident naman ako sa project naming ‘to."

Ten minutes ang special effects nila sa Bertud ng Putik na ala-Matrix daw ang dating. "Kahit pakonti-konti, makisabay naman tayo sa Hollywood," sabi niya.

Kasama niya sa movie sina Rochelle Pangilinan, Regine Tolentino and Michelle Estevez at PG 13 ang target nila.

The movie is under the direction of Ogie Salvador para sa Imus Productions.

Sa pelikula, he plays a 1953 gangster na merong bertud na binigyan siya ng chance na makapag-travel through time. "May moral story sa pelikula. Kasi ‘yung parang sinumbatan ako ng anak ko kung bakit ko sila iniwan noon."
* * *
Shocking ang kuwento ng isa kong gay friend tungkol sa isang young actress na pagjumi-jingle raw ay kailangang may sound effect. Yung tipong ginagawa ng ina sa anak pag bata pa ito na gustong paihiin ang anak.

Nabuking daw ito ng isang friend ng young actress nang minsang sabay silang nag-banyo. Tinanong daw ng friend ng young actress kung sino ang tinatawag niya kasi nga raw para itong may sinisitsitan. ‘Yun nga raw, inamin ng young actress na naging habit na niya ‘yun since bata siya as in para makaihi siya kailangan niya munang mag-ganoon.

Sabi ng doctor na friend ng baklita kong source, kailangan niyang (young actress) magpa-check up sa psychologist para matanggal ang habit niya or else forever na siyang magga-ganoon.

Ang young actress na ito ay very controversial lately dahil ginagawan siya ng issue na hindi naman totoo.
* * *
Sobra na ang pagkabaliw ng mga Filipino sa Meteor Garden. As in grabe to the point na may bagets na halos ayaw nang lumabas pagdating ng hapon para makapanood ng Meteor Garden. Kahit sa showbiz feedback namin, kanya-kanya silang request. Sabi nga ng isang nag-text - Sana i-air din ang Meteor Garden every weekend para swack na swack ang whole week namin kasi parang di kumpleto ang day namin pag di namin sila nakikita. Riam Lamitan - 0916-9095461.

Sana naman makita ko na msg ko. Ang ganda talaga ng Meteor Garden 4 ever. Huwag nang baguhin ang oras 5:30 na lang. Hindi ko kasi mapapanood pag may pasok. - 0917-8739116

Sana dalawang beses ipalabas ang Meteor Garden sa hapon saka sa gabi para kahit na pumapasok kami, napapanood pa rin namin kasi medyo late na kami umuwi - May of Dasma, Cavite - 0916-2573615.

Sana pumunta dito sa Philippines ang F4 & San Cai ng Meteor Garden, sana may bago pagkatapos ng Meteor Garden na sila rin ang cast. Jhocelle of Teresa, Rizal. - 0916-3709514

Ang ganda talaga ng Meteor Garden. Sana gawin ng Monday to Saturday at isang oras na sana." Madel of Nueva Ecija - 0916-7362633

Meteor Garden will remain no. 1 kahit na may kalaban sa kabila, looks pa lang wala ng binatbat ang cast ng MPV Valentine! Meteorlover of Bulacan - 0916-2573615
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salveasis@yahoo.com/psnbabytalk@hotmail.com

Show comments