Ayon pa rito kay De Guzman parehong marahas pagdating sa hubaran sina Trina at Jeanette na parehong bida sa pelikulang idinirek ni Direk Arman Reyes titled Kumikirot Tumitibok ng ATB-4 Films.
Si Trina Shield ay enrolled sa UP Diliman ng kursong speech powers, kaya niyang higitan ang ginagawang pagpapa-sexy sa pelikula ni Maui. Sa pelikulang Kumikirot Tumitibok ay isang malditang burgis at taklesang asawa ni Michael Gomez ang role ni Trina.
Samantala, ito namang si Jeanette ay abala rin sa acting workshop bilang paghahanda sa pinasok niyang pag-arte at hindi lamang puro paghuhubad.
Una siyang napansin sa Buko Pandan ng World Arts Cinema na sinundan ng Biyahera mula naman sa FLT Films kasama sina Yda Manzano, Stella L. at Barbara Milano.
Nagtuloy-tuloy ang pagratsada sa pelikula ni Jeanette nang alukin sya ng ATB-4 Films para sa proyektong Balat Sibuyas na ang pangunahing bida ay si Halina Perez.
Bumilib sa kanya ang mga prodyuser ng ATB-4 Films na sina Baby Buenaseda at Noli Buenaseda kaya ginawa na siyang bida sa pelikulang Kumikirot Tumitibok.