Ayon kay Andrea, pakiramdam niya ay na-violate ang kanyang pagkatao pero, nagpapasalamat siya dahil hindi naman siya yong nasa monitor.
Mas matutuwa siya kung naitaon ito sa kanyang launching movie na Lupe, pero tapos na ito. Nanghihinayang siya dahil wala umano ito sa timing.
May naka-line-up ngayong dalawang pelikula si Andrea mula sa kanyang home studio at ayon sa kanya, this is to dispel rumor na kaya wala siyang follow-up movie ay dahil di kumita ang launching movie niya. "Wala naman sa follow-up movie yan eh. Alam ng Viva kung ano ang magandang project na susunod kong gagawin. Tulad ngayon, mula sa bold movie ay magko-comedy daw ako." Alex Datu