Ayon kay Gladys, tuloy ang kanilang kasal. Kaya lang umalis ang nobyo ay para madagdagan ang kanilang naipong pera para sa pagbuo ng pamilya.
"May natanguang contractual job sa France si Chris at sayang din ang kikitain niya rito. Balak din kasi namin na bumili ng bahay matapos ang aming kasal. Kaya okey lang kung iwan muna ako pansamantala ng aking mahal," sey pa nito.
Buo na ang listahan ng mga ninang ng dalawa gaya nina Helen Gamboa, Madam Violet Sevilla, Cory Vidanes, Sharon Cuneta at Susan Roces.
Naghihintay ng tamang project si Angelika. May mga offer naman itong natatanggap. Type nga ng isang independent company na pagsamahin sila ni Victor Neri sa isang action-love story pero pinag-aaralan pa ng manager ni Victor ang script.
Walang dahilan para ma-insecure siya sa mga nagsusulputang baguhang sexy actress. Hindi type ni Maricar na ihambing siya sa ibang mga hubaderang artista. Katwiran nito ay matagal na siya sa showbiz at nagkaroon na rin ng pangalan simula noong Thats Entertainment hanggang maging co-host ni Arnell Ignacio sa Go-Bingo.
May gagawin sana itong pelikula na ididirek ni Joey Romero kung saan lesbian ang papel na gagampanan. Okey sa kanya ang role pero ang naging problema ay may maiinit itong eksena with Jomari Yllana.
Ayon sa magandang actres-singer, hindi pa siya handang sumabak sa daring scenes. "Pwede siguro magpa-sexy lang pero ayaw kong mag-bold," aniya.