Gladys iniwan ng boyfriend!
June 4, 2003 | 12:00am
May nagtatanong sa akin kung mauurong ba ang kasal nina Gladys Reyes at Christopher Roxas na nakatakdang humarap sa dambana sa January 23, 2004. Umalis kasi ang aktor patungong France.
Ayon kay Gladys, tuloy ang kanilang kasal. Kaya lang umalis ang nobyo ay para madagdagan ang kanilang naipong pera para sa pagbuo ng pamilya.
"May natanguang contractual job sa France si Chris at sayang din ang kikitain niya rito. Balak din kasi namin na bumili ng bahay matapos ang aming kasal. Kaya okey lang kung iwan muna ako pansamantala ng aking mahal," sey pa nito.
Buo na ang listahan ng mga ninang ng dalawa gaya nina Helen Gamboa, Madam Violet Sevilla, Cory Vidanes, Sharon Cuneta at Susan Roces.
Last Sunday ay may dinirek na recital si Daddy Ernie dela Cruz sa Philamlife Auditorium para sa mga mag-aaral ng Henry Martin School of Music. Naging guest nila si Angelika dela Cruz na minsan pang pinatunayan kung gaano siya kagaling kumanta.
Naghihintay ng tamang project si Angelika. May mga offer naman itong natatanggap. Type nga ng isang independent company na pagsamahin sila ni Victor Neri sa isang action-love story pero pinag-aaralan pa ng manager ni Victor ang script.
Kumita ang last movie ni Maricar de Mesa na Bayaran at hinangaan pa rin ang paglalarawan ng mataray na karakter bilang si Olga sa Sana Ay Ikaw Na Nga. Muli, napatunayan nito na di lang siya maaasahan sa paghuhubad kundi gayundin sa pagiging versatile actress.
Walang dahilan para ma-insecure siya sa mga nagsusulputang baguhang sexy actress. Hindi type ni Maricar na ihambing siya sa ibang mga hubaderang artista. Katwiran nito ay matagal na siya sa showbiz at nagkaroon na rin ng pangalan simula noong Thats Entertainment hanggang maging co-host ni Arnell Ignacio sa Go-Bingo.
Natutuwa kami kay Sharmaine Santiago dahil sikat na siya ngayon. Malaki ang nagawa ng pagiging kontrabida nito sa Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin (Book 2) bilang anak ni Jackielou Blanco.
May gagawin sana itong pelikula na ididirek ni Joey Romero kung saan lesbian ang papel na gagampanan. Okey sa kanya ang role pero ang naging problema ay may maiinit itong eksena with Jomari Yllana.
Ayon sa magandang actres-singer, hindi pa siya handang sumabak sa daring scenes. "Pwede siguro magpa-sexy lang pero ayaw kong mag-bold," aniya.
Ayon kay Gladys, tuloy ang kanilang kasal. Kaya lang umalis ang nobyo ay para madagdagan ang kanilang naipong pera para sa pagbuo ng pamilya.
"May natanguang contractual job sa France si Chris at sayang din ang kikitain niya rito. Balak din kasi namin na bumili ng bahay matapos ang aming kasal. Kaya okey lang kung iwan muna ako pansamantala ng aking mahal," sey pa nito.
Buo na ang listahan ng mga ninang ng dalawa gaya nina Helen Gamboa, Madam Violet Sevilla, Cory Vidanes, Sharon Cuneta at Susan Roces.
Naghihintay ng tamang project si Angelika. May mga offer naman itong natatanggap. Type nga ng isang independent company na pagsamahin sila ni Victor Neri sa isang action-love story pero pinag-aaralan pa ng manager ni Victor ang script.
Walang dahilan para ma-insecure siya sa mga nagsusulputang baguhang sexy actress. Hindi type ni Maricar na ihambing siya sa ibang mga hubaderang artista. Katwiran nito ay matagal na siya sa showbiz at nagkaroon na rin ng pangalan simula noong Thats Entertainment hanggang maging co-host ni Arnell Ignacio sa Go-Bingo.
May gagawin sana itong pelikula na ididirek ni Joey Romero kung saan lesbian ang papel na gagampanan. Okey sa kanya ang role pero ang naging problema ay may maiinit itong eksena with Jomari Yllana.
Ayon sa magandang actres-singer, hindi pa siya handang sumabak sa daring scenes. "Pwede siguro magpa-sexy lang pero ayaw kong mag-bold," aniya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended