Ayon sa huling balitang nakalap namin, niyaya na umano ng Italian guy na nagngangalang Klaudio na magpakasal sila ni Miriam at itoy seryoso na ring pinag-iisipan ng dating beauty queen.
Kung matatandaan, nakatakda na ring ikasal noon si Miriam sa kanyang long-time boyfriend na non-showbiz pero hindi ito natuloy, itoy nauwi sa paghihiwalay. Nagkarelasyon sila ni Hans Montenegro pero nagkahiwalay din sila hanggang makilala ni Miriam ang Italian guy na ito.
Samantala, parehong effective si Miriam at Paolo Bediones sa ipinakitang acting sa kanilang debut movie, ang Walang Kapalit na pinangunahan nina Sharon Cuneta at Richard Gomez.
Sayang nga lang at hindi pa sina Miriam at Paolo ang magkasintahan. Nung panahong gustong ligawan ni Paolo si Miriam ay commited ito sa iba at nang mag-break naman sina Miriam at ng boyfriend nito ay may girlfriend naman si Paolo.
Dahil karamihan ng kasamahan ni Dominic ay pawang may mga kanya-kanyang negosyo, napag-isip-isip niya na its about time na rin na mag-venture na rin siya ng sarili niyang negosyo. Sa tulong ng dating mga ka-negosyo ng yumaong si Rico Yan sa Orbits pearl shake drinks, nag-isip sila ng ibang negosyo, ang Thumbs up ice cream stalls na matatagpuan sa SM Fairview at SM Centerpoint and soon sa Ever Ortigas, Shangri-La Plaza Food, SM Bicutan at SM City.
Sa pinakabagong CD album ni Ogie under Viva Records, ang Mga Kwento ng Pag-ibig, 15 mga bagong komposisyon ang kanyang pinagsama-sama.
Si Ogie happily married sa Australian beauty na si Michelle Van Eimeren at mayroon na silang dalawang supling-sina Leila at Sarah Kate.