Singer-actress, paldu-paldo pagkatapos mag-show

Naikwento ng isang source na kapag may show o concert ang aktres/singer na ito ay laging dagsa ang mga manonood dahil paborito nila ito.

Pero mas gugustuhin daw nito na hindi tseke ang ibinabayad sa kanya tuwing magso-show. Nagda-downpayment lang ng 50% ang producer ng show at ang partial payment ay binabayaran before the show kung saan cash ito. Kaya nga ang attache case ng aktres ay puno ng pera kapag tapos na ang show at pabalik na ng Maynila.
Tinitilian Pa Rin
Naging isang malaking tagumpay ang concert ng Sex Bomb Girls sa Cuneta Astrodome noong Biyernes kung saan naging guest si Janno Gibbs. Malakas pa rin ang panghatak ni Janno sa audience. Tinitilian ito ng husto ng mga tagahanga o baka naman na-miss lang nila ang magaling na singer sa mga shows o concert.

Bukod sa pagpaparinig ng mga awitin ay nagpakwela pa rin ito kung saan sinabayan ang Sex Bomb Girls sa isang awiting siya mismo ang nag-compose.

Speaking of Sex Bomb Girls, malayo na ang narating nila at kahit mga bata ay iniidolo sila. Katunayan sa concert ay puro mga bata ang kasama ng kanilang mga magulang. Ang iba’y nanggaling pa sa Cavite para lang mapanood ang concert ng grupo.

First time ko ring mag-line produce ng malaking concert na prodyus ng Philippine Military Academy (Masikap Class ’77) at isang magandang karanasan ito para sa akin. Kahit nakaramdam ng sobrang pagod at tensyon ay masaya pa rin ako dahil sa tagumpay ng show. Nagpapasalamat ako sa mga sponsors na tumulong sa amin gaya ng PAGCOR, Coca-Cola, SHK-9Warriors, V.Y. Domingo Jewelries at mga donors na Fortune Bakeshop, Nestle Ice Cream, Aqua Safe Mineral Water, Walker Briefs & Underwears, Golden Hands Sinigang Bagoong at Pingping Lechon & Restaurant. Nagpapasalamat din ako kay Rey Hondrado at mga kaibigang press people na sumusuporta sa akin gaya ni Vero Samio, Virgie Balatico, Arthur Quinto, Letty Celi at Andrew Gutierrez ng DWAN Radio. Sa panahon ngayon ay kailangang hindi lang pagsusulat at pagpi-PR ang pinagkakakitaan ng isang manunulat kundi gayundin sa ibang bagay. Kung ang iba’y nagdidirek na rin kahit papaano ay natuto na rin ako na mag-line produce ng malalaking concert. Mahirap nga pero masaya dahil nagkakaroon ka ng self-satisfaction.
Ini-Endorso Ng DECS
Tuwang-tuwa na ibinalita ng kanang kamay ni Jacky Woo na si Owe na ini-endorso ng Department of Education Culture and Sports na panoorin ang Alab ng Lahi ng grade five hanggang high school. Napapanahon ang ganitong klase ng pelikula kaya dapat panoorin hindi lang elementarya kundi gayundin sa kolehiyo. Masasaksihan kasi sa pelikula ang nagiging epekto ng gyera sa mga tao.

Hindi kami magtataka kung ganado sa pagpo-promote si Jacky lalo na sa mga mall tour dahil sa ganda ng period movie na ginastusan nila bilang magkasosyo (hindi lang si Robin) na umabot ng P30 milyon.
Ayaw Mag-Konsehal
Naging malapit sa isa’t isa sina Alma Moreno at Snooky Serna kaya ngayong tuloy na tuloy na ang pagtakbo ni Ness bilang mayor ng Parañaque ay inalok nitong magkonsehal si Snooky.

Noong una ay excited si Kookie na tanggapin ang alok ni Ness dahil matulungin din siya sa kapwa. Kaso matapos na makapag-isip-isip ay napagtanto nito na hindi niya linya ang pulitika.

Isa pa, prioridad din niya ang pamilya at ayaw niyang mawalan ng time sa kanila.

Show comments