Ayon kay Issa, hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadama nang una niyang makita ang kanyang baby na umiiyak.
Ang hitsura ng bata ay pinaghalong Issa at Geryk. Nasa tabi ni Issa ang kanyang mister at inang si Mommy Guapa (Isabel) mula sa kanyang panganganak hanggang sa itoy dalhin sa kanyang private room.
Kung noon ay nagkaroon ng matinding tampuhan ang mag-inang Isabel (Isabel din kasi ang pangalan ni Mommy Guapa), ngayon ay muling magkasundo ang mag-ina at excited din si Mommy Guapa sa kanyang unang apo. Nanghihinayang lamang si Mommy Guapa dahil hindi naabutan ng kanyang mister ang kanyang unang apo sa kaisa-isa nilang anak na si Isabel.
Ayon kay Issa, ibi-breastfeed niya ang kanyang baby.
Samantala, kapag pwede nang iwan ni Issa ang una nilang supling ni Geryk ay ipagpapatuloy nito ang kanyang singing and acting career sa tulong ng kanyang business manager na si Dondon Monteverde. (Ulat ni Aster Amoyo)