Hindi ikinakaila ni
Cogie Domingo na galing siya sa broken family. Hiwalay na ang kanyang magulang at may mga kapatid siya sa iba pero magkakasundo naman sila.
Dahil sa pagiging produkto ng broken home ay napagbintangang nagdodroga ang gwapong young actor pero, itinanggi niya ito, gayundin ang balitang ampon daw siya. Hindi raw kasi siya kamukha ng kanyang mga magulang.
"Kahit nga si Daddy ay nagulat sa balita. Hindi kasi niya alam kung bakit may nakakapagsulat ng ganito at kung saan sila nakakakuha ng ganitong balita. Pero sinabi ko kay Daddy na huwag na lang itong pansinin dahil part ng showbiz ang intriga. Hindi kasi siya sanay dito," sey ng aktor.
Kumusta naman ang kanyang lovelife? Hindi bat itinutukso rin siya kay
Tanya Garcia? "Minsan ay dinalaw niya ako sa aking condo pero isang beses lang yun. May crush din ako sa kanya dahil ang ganda-ganda niya pero hanggang paghanga lang yun dahil magkaibigan lang kami," pagtatapos ni Cogie.
Gusto Ring Maging Fashion Designer |
Nagkita kami ni
Jolina Magdangal sa
Master Showman at nagkakwentuhan. Sinabi niyang excited na siya sa pelikulang pagtatambalan nila ni
Fernando Poe, Jr. "Biruin mo Tita, dalawang da king na ang nakakatambal ko si Tito
Dolphy at si Tito Ronnie. Magsisimula na kaming magsyuting (under
FPJ Productions) sa ikalawang linggo ng Hunyo. Super happy ako dahil FPJ yata yan. Sisimulan na rin sa June 9 ang aming soap opera na
Narito Ang Puso Ko katambal si
Raymart Santiago. Nag-taping na kami at ang bait niya. Hes like being brother at maasikaso pa," aniya.
Kapag hindi abala sa showbiz commitment ay patuloy pa rin ito sa pagdidisenyo ng mga accessories. Gusto rin nitong mag-design ng mga damit. "Pero siguro magagawa ko lang ito kapag hindi na ako busy," anang actress-singer.
Balitang masama ang loob ni
Marvin Agustin dahil nang mapanood at makita nito ang poster at trailer ng
Sanay Wala Nang Wakas ay nagmukhang suporta lang sila ni
Kaye Abad. Kahit sa poster ay maliit lang ang litrato nito at sa billing ay nauna ang tambalan nina
Kristine Hermosa at
Jericho Rosales.
Jules, Interesado Sa Kita Ni Assunta! |
Pinabulaanan ni
Assunta de Rossi ang mga balitang pinakikialaman siya ng asawang si
Jules Ledesma lalo na pagdating sa sinusweldo niya sa kanyang mga shows gaya ng
ASAP Mania at
Klasmeyts (Coed Na).
Sinabi nito na kailanman ay hindi pinakikialaman ni Jules ang kanyang pera at nakakabili siya ng gusto niyang gamit gaya ng alahas.
Masaya ang aktres sa piling ng asawa at wala na raw siyang mahihiling pa sa buhay.