^

PSN Showbiz

Tanya, pumupunta sa condo ni Cogie

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi ikinakaila ni Cogie Domingo na galing siya sa broken family. Hiwalay na ang kanyang magulang at may mga kapatid siya sa iba pero magkakasundo naman sila.

Dahil sa pagiging produkto ng broken home ay napagbintangang nagdodroga ang gwapong young actor pero, itinanggi niya ito, gayundin ang balitang ampon daw siya. Hindi raw kasi siya kamukha ng kanyang mga magulang.

"Kahit nga si Daddy ay nagulat sa balita. Hindi kasi niya alam kung bakit may nakakapagsulat ng ganito at kung saan sila nakakakuha ng ganitong balita. Pero sinabi ko kay Daddy na huwag na lang itong pansinin dahil part ng showbiz ang intriga. Hindi kasi siya sanay dito," sey ng aktor.

Kumusta naman ang kanyang lovelife? Hindi ba’t itinutukso rin siya kay Tanya Garcia? "Minsan ay dinalaw niya ako sa aking condo pero isang beses lang yun. May crush din ako sa kanya dahil ang ganda-ganda niya pero hanggang paghanga lang yun dahil magkaibigan lang kami," pagtatapos ni Cogie.
Gusto Ring Maging Fashion Designer
Nagkita kami ni Jolina Magdangal sa Master Showman at nagkakwentuhan. Sinabi niyang excited na siya sa pelikulang pagtatambalan nila ni Fernando Poe, Jr. "Biruin mo Tita, dalawang da king na ang nakakatambal ko si Tito Dolphy at si Tito Ronnie. Magsisimula na kaming magsyuting (under FPJ Productions) sa ikalawang linggo ng Hunyo. Super happy ako dahil FPJ yata yan. Sisimulan na rin sa June 9 ang aming soap opera na Narito Ang Puso Ko katambal si Raymart Santiago. Nag-taping na kami at ang bait niya. He’s like being brother at maasikaso pa," aniya.

Kapag hindi abala sa showbiz commitment ay patuloy pa rin ito sa pagdidisenyo ng mga accessories. Gusto rin nitong mag-design ng mga damit. "Pero siguro magagawa ko lang ito kapag hindi na ako busy," anang actress-singer.
Nagmukhang Suporta
Balitang masama ang loob ni Marvin Agustin dahil nang mapanood at makita nito ang poster at trailer ng Sana’y Wala Nang Wakas ay nagmukhang suporta lang sila ni Kaye Abad. Kahit sa poster ay maliit lang ang litrato nito at sa billing ay nauna ang tambalan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.
Jules, Interesado Sa Kita Ni Assunta!
Pinabulaanan ni Assunta de Rossi ang mga balitang pinakikialaman siya ng asawang si Jules Ledesma lalo na pagdating sa sinusweldo niya sa kanyang mga shows gaya ng ASAP Mania at Klasmeyts (Coed Na).

Sinabi nito na kailanman ay hindi pinakikialaman ni Jules ang kanyang pera at nakakabili siya ng gusto niyang gamit gaya ng alahas.

Masaya ang aktres sa piling ng asawa at wala na raw siyang mahihiling pa sa buhay.

vuukle comment

COED NA

COGIE DOMINGO

FERNANDO POE

GUSTO RING MAGING FASHION DESIGNER

INTERESADO SA KITA NI ASSUNTA

JERICHO ROSALES

JOLINA MAGDANGAL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with