Bilang Isabela, si Jolina si Antonina, ang nawawalang tagapagmana ng mga Sanvictores, nagmemeari ng first class hotels and airlines. Nailigtas lamang siya sa isang pagsabog na ikinamatay ng kanyang mga magulang. Lumaki siya sa piling ni Elsa (Amy Austria) na kanyang kinilalang ina. Mahirap sila pero masaya lalot may kababatang mahal si Antonina, si Santi (James Blanco) na may lihim na pagtingin sa kanya. Lalong mahihirapang magtapat si Santi sa pagdating ni Rodolfo (Raymart Santiago), na sa simula ay makakainisan ni Isabela pero, unti-unti niya ring magugustuhan.
Kanino sa dalawa mapupunta ang puso ni Antonina? Magsisimulang mapanood ang Narito Ang Puso Ko sa Hunyo 9 sa GMA Telebabad.
Kasama sa powerful cast sina Rosa Rosal Eddie Garcia, Ariel Rivera, Raymond Bagatsing, Dina Bonnevie, Carmina Villaroel, Lilia Dizon, Benjie Paras, Karen delos Reyes, Monsour del Rosario at marami pang iba. Magkatulong na dinidirek nina Eric Quizon at Gina Alajar.
Huwag niyang sayangin ang talino niya sa pag-arte.
Mabuti na lamang at ino-onor pa ng GMA ang kontrata niya sa kanila, sa kabila ng mga negative publicities na lumalabas tungkol sa kanya. Isinali pa siya sa bagong programa nitong Narito Ang Puso Ko, bilang fake na Antonina, ang role na ginagampanan ni Jolina.
"Pero, hindi ko iniisip na magka-kumpitensya kami ni Raymart. Kung sinasabi nyong mas mabigat ang role niya, maybe its because mas malaki siyang artista, although sa taping hindi ko siya kinakitaan ng yabang. Mabait siya, makulit pa nga at times. Akala ko nung una suplado siya, hindi pala," ani James.