Jolina pinag-aagawan nina James at Raymart
June 1, 2003 | 12:00am
Hindi lang pala sa tunay na buhay pinag-aagawan ng mga manliligaw niya si Jolina Magdangal, maging sa pinaka-bagong teleserye ng GMA, ang Narito Ang Puso Ko, nag-uunahan sina Raymart Santiago at James Blanco na mabihag ang puso niya.
Bilang Isabela, si Jolina si Antonina, ang nawawalang tagapagmana ng mga Sanvictores, nagmemeari ng first class hotels and airlines. Nailigtas lamang siya sa isang pagsabog na ikinamatay ng kanyang mga magulang. Lumaki siya sa piling ni Elsa (Amy Austria) na kanyang kinilalang ina. Mahirap sila pero masaya lalot may kababatang mahal si Antonina, si Santi (James Blanco) na may lihim na pagtingin sa kanya. Lalong mahihirapang magtapat si Santi sa pagdating ni Rodolfo (Raymart Santiago), na sa simula ay makakainisan ni Isabela pero, unti-unti niya ring magugustuhan.
Kanino sa dalawa mapupunta ang puso ni Antonina? Magsisimulang mapanood ang Narito Ang Puso Ko sa Hunyo 9 sa GMA Telebabad.
Kasama sa powerful cast sina Rosa Rosal Eddie Garcia, Ariel Rivera, Raymond Bagatsing, Dina Bonnevie, Carmina Villaroel, Lilia Dizon, Benjie Paras, Karen delos Reyes, Monsour del Rosario at marami pang iba. Magkatulong na dinidirek nina Eric Quizon at Gina Alajar.
Sayang at walang Q&A portion ang ginanap na screening ng Narito Ang Puso Ko sa Greenbelt. Mayroong kating-kating magtanong kung bakit nauna sa billing ang pangalan ni Eric Quizon bilang direktor kaysa kay Gina Alajar? Di ba raw mas senior si Gina kay Eric at sa showbiz, sinusunod ang kalakarang seniority?
Kailangan talagang baguhin na ni Karen delos Reyes ang kanyang attitude, kung totoo man ang mga balitang lumalabas tungkol sa kanya. Napakaganda at napakabata pa niya, malaki pa ang tsansa niyang mapalaki ng husto ang kanyang pangalan sa showbizness.
Huwag niyang sayangin ang talino niya sa pag-arte.
Mabuti na lamang at ino-onor pa ng GMA ang kontrata niya sa kanila, sa kabila ng mga negative publicities na lumalabas tungkol sa kanya. Isinali pa siya sa bagong programa nitong Narito Ang Puso Ko, bilang fake na Antonina, ang role na ginagampanan ni Jolina.
James Blanco should watch out at baka ma-snatch sa kanya ni Raymart Santiago ang kanyang ka-loveteam. Love triangle ang tema ng pinakabagong palabas ng GMA na nagtatampok kay Jolina sa isang napakalaki at napakahalagang role. Mukhang mas mabigat ang role ni Raymart sa palabas, bagaman at may advantage na siya, being the loveteam of Jolina.
"Pero, hindi ko iniisip na magka-kumpitensya kami ni Raymart. Kung sinasabi nyong mas mabigat ang role niya, maybe its because mas malaki siyang artista, although sa taping hindi ko siya kinakitaan ng yabang. Mabait siya, makulit pa nga at times. Akala ko nung una suplado siya, hindi pala," ani James.
Bilang Isabela, si Jolina si Antonina, ang nawawalang tagapagmana ng mga Sanvictores, nagmemeari ng first class hotels and airlines. Nailigtas lamang siya sa isang pagsabog na ikinamatay ng kanyang mga magulang. Lumaki siya sa piling ni Elsa (Amy Austria) na kanyang kinilalang ina. Mahirap sila pero masaya lalot may kababatang mahal si Antonina, si Santi (James Blanco) na may lihim na pagtingin sa kanya. Lalong mahihirapang magtapat si Santi sa pagdating ni Rodolfo (Raymart Santiago), na sa simula ay makakainisan ni Isabela pero, unti-unti niya ring magugustuhan.
Kanino sa dalawa mapupunta ang puso ni Antonina? Magsisimulang mapanood ang Narito Ang Puso Ko sa Hunyo 9 sa GMA Telebabad.
Kasama sa powerful cast sina Rosa Rosal Eddie Garcia, Ariel Rivera, Raymond Bagatsing, Dina Bonnevie, Carmina Villaroel, Lilia Dizon, Benjie Paras, Karen delos Reyes, Monsour del Rosario at marami pang iba. Magkatulong na dinidirek nina Eric Quizon at Gina Alajar.
Huwag niyang sayangin ang talino niya sa pag-arte.
Mabuti na lamang at ino-onor pa ng GMA ang kontrata niya sa kanila, sa kabila ng mga negative publicities na lumalabas tungkol sa kanya. Isinali pa siya sa bagong programa nitong Narito Ang Puso Ko, bilang fake na Antonina, ang role na ginagampanan ni Jolina.
"Pero, hindi ko iniisip na magka-kumpitensya kami ni Raymart. Kung sinasabi nyong mas mabigat ang role niya, maybe its because mas malaki siyang artista, although sa taping hindi ko siya kinakitaan ng yabang. Mabait siya, makulit pa nga at times. Akala ko nung una suplado siya, hindi pala," ani James.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended