Mulat mula pa kasi ay hindi na kami naniniwalang may relasyon ang dalawa, itinataga namin sa bato na ginagamit lang ni Jimboy ang munting dalaga, dahil marami kaming kumpirmadong kwento kung paano ipinanganak ang ideyang nagmamahalan daw sila.
Kahit ang malalapit kay Mahal ay nakakwentuhan namin tungkol kay Jimboy, ayaw ng pamilya ni Mahal ang mga palutang ng singer, masama sa panlasa ng mga nagmamahal sa dalaga ang mga kaeklatan ni Jimboy.
Hanggang sa isang araw ay may nakapagkwento sa amin na kapag binuksan mo raw ang cellfone ni Mahal ay puro mensahe ng pagdidikta ni Jimboy ang laman nito.
Sabi ng aming source, "Kung talagang may relasyon sila, eh, bakit walang ka-concern-concern ang mga messages ni Jimboy? Bakit puro pagdidikta ang nandun?
"Bakit wala namang message si Jimboy na nag-aalala siya kay Mahal? Ang mga laman ng messages ni Jimboy, O, may show ako sa Pampanga, huwag mong kakalimutang sabihin sa MTB, ha?
"Puro ganun, puro pagdidikta ng plugging, ni hindi nga siya marunong magpa-thank you, eh!" sabi pa ng aming source.
Noon pa namin nababalitaan kung paano gamit-gamitin ni Jimboy si Mahal, palibhasay hindi masyadong malawak ang naabot ng isip, kung ano ang ibulong-idikta ng singer kay Mahal ay yun naman ang kanyang sinasabi.
Kaya kahit bali-baligtarin mo sa katatanong si Mahal ay para siyang bilanggong na-brainwash ng ilang panahon, iisa lang ang alam niyang sabihin, kung ano lang ang idinidikta sa kanya ni Jimboy.
Pero wala rin naman, dahil kahit ginamit-gamit niya si Mahal ay ni hindi umuusad ang benta ng album ng singer, alam naman kasi ng ating mga kababayan kung ano ang totoo.
Kahit saan kami magpunta ay maraming nabubwisit kay Jimboy at marami namang naaawa kay Mahal, dahil walang naniniwala sa katsipang gimik na meron daw silang relasyon.
Sa isyu namang bading siya ay ang sarap pitikin sa ilong ang Jimboy na ito, hindi raw siya bading, pero ang kanyang sagot, "Hello! Ako, bading daw?"
Paulit-ulit niyang sinasabi yung pag-hello-hello niya, alam kaya ni Jimboy na ang ganung salita ay karaniwang binibitiwan lang ng mga bading na emcee sa mga sing-along bar?
Hindi raw siya bading, sabi ni Jimboy, pinaninindigan niya yun, kahit pa ang dami-dami nang nagsasabing bading nga siya.
Pero okey na rin yun, may karapatan naman ang kahit sino na idenay ang kahit ano, may kalayaan siyang idepensa ang kanyang sarili sa anumang akusasyon na ibinabato sa kanya.
Basta, marami ang naiinis kay Jimboy sa mga pinaggagawa niya kay Mahal, walang naniniwala sa pinalulutang niya na may relasyon sila, tapos.
At marami ang nagpapasalamat dahil naialis na si Mahal ng pamilya nito kay Jimboy, ang kapatid nang pulis ni Mahal ang nagbanta na kapag hindi pa sumama si Mahal sa kapatid nitong babae ay ang kapatid na nitong pulis ang susundo sa kanya.
May kontrata na ngayon si Mahal sa Masayang Tanghali, Bayan, pati si Mura ay kontratado na rin ng Dos, kaya maganda ang takbo ngayon ng career ng munting dalaga.
Si Ramon Yuson ang namamahala sa career ni Mahal, ang orihinal nitong manager, hindi ang manager ni Jimboy na nagsasabing ito raw ang may karapatan sa pagpapatakbo ng career ni Mahal.