Bukod kay Binoe (Robin), tampok din sa Alab ng Lahi (na isa sa anim na official entries ng Manila Film Festival) ang Japanese actor na si Jacky Woo, Eddie Garcia at Raymond Bagatsing. Ang istorya at script ay magkatulong na binuo nina Robin at Bebong at si Robin na rin mismo ang nag-research ng material na ginawa niya sa National Library sa loob ng dalawang araw.
Naniniwala si Robin na kapag napanood ng mga tao ang Alab ng Lahi ay doon lamang umano pahahalagahan ng mga ito ang kanilang pagiging isang tunay na Filipino.
First time na nag-produce ni Robin ng pelikula na siya rin ang pangunahing bituin.
Kamakailan lamang ay muling ni-renew ang kontrata ni Robin bilang celebrity endorser ng Restolax, isang indikasyon na effective ang action star bilang product endorser.
React to death ang mga naroon sa mga eksena nina FPJ at Bata lalo na sa mga eksenang magkasama silang dalawa. Kahit first movie pa lamang ni Bata ang Pakners, may potential itong maging isang mahusay na komedyante.
Ang nakakatuwa pa, kahit si FPJ ang producer ng pelikula, hinayaan din niyang lumutang ang mga characters nina Bata, January, Candy, Oyo Boy at Toni Gonzaga at dito makikita kung gaano ka-secure si Da King sa kanyang kinalalagyan.
Kinabukasan naman, April 27, sinuong nina FPJ at Bata ang mahabang traffic patungong Angeles, Pampanga kung saan din nagkaroon ng premiere night ang pelikula ng dalawang hari. Sa kabila ng hirap na kanilang dinaanan dahil sa bagyong Chedeng, dinagsa pa rin ng mga tao ang premiere night sa Angeles City in Pampanga.
Sa tayo ngayon ni AiAi, walang alinlangan na siya ngayon na maituturing na comedy queen. Bukod sa singing at paggawa ng pelikula, ang singer-comedienne ay may apat na regular TV shows sa ABS-CBN, ang MTB, Arriba, Arriba at ang Whattamen at isa naman sa ABC-5, ang Sing-Galing with Allan K.
Ngayong separated na siya sa singer na si Miguel Vera, ama ng dalawa sa tatlo niyang anak, hindi kaya nagsisisi si Miguel sa kanyang ginawa kay AiAi?