Binoe tinodo ang pera sa Alab
May 30, 2003 | 12:00am
Action star Robin Padilla must have invested all his savings para lamang maisakatuparan ang pagsasapelikula ng pelikulang Alab ng Lahi na dinirek ng kanyang kamag-anak na direktor na si Bebong Osorio. Itoy sa ilalim ng RCP International na pag-aari ni Robin. Of course, RCP stands for Robin Cariño Padilla.
Bukod kay Binoe (Robin), tampok din sa Alab ng Lahi (na isa sa anim na official entries ng Manila Film Festival) ang Japanese actor na si Jacky Woo, Eddie Garcia at Raymond Bagatsing. Ang istorya at script ay magkatulong na binuo nina Robin at Bebong at si Robin na rin mismo ang nag-research ng material na ginawa niya sa National Library sa loob ng dalawang araw.
Naniniwala si Robin na kapag napanood ng mga tao ang Alab ng Lahi ay doon lamang umano pahahalagahan ng mga ito ang kanilang pagiging isang tunay na Filipino.
First time na nag-produce ni Robin ng pelikula na siya rin ang pangunahing bituin.
Kamakailan lamang ay muling ni-renew ang kontrata ni Robin bilang celebrity endorser ng Restolax, isang indikasyon na effective ang action star bilang product endorser.
Sa kabila nang walang tigil na ulan nung nakaraang Lunes ng gabi, naging matagumpay ang premiere night ng pelikulang Pakners na pinagbidahan ng dalawang hari, ang action king na si Fernando Poe Jr. at ang billiards king na si Efren "Bata" Reyes na ginanap sa Cinema 9 & 10 ng Megamall. Dumating si FPJ kasama ang kanyang misis na si Susan Roces, naroon din sina Bata, January Isaac, Candy Pangilinan at iba pang cast ng pelikula. Dumalo rin ang ibang celebrities tulad nina Phillip Salvador at Ronnie Ricketts.
React to death ang mga naroon sa mga eksena nina FPJ at Bata lalo na sa mga eksenang magkasama silang dalawa. Kahit first movie pa lamang ni Bata ang Pakners, may potential itong maging isang mahusay na komedyante.
Ang nakakatuwa pa, kahit si FPJ ang producer ng pelikula, hinayaan din niyang lumutang ang mga characters nina Bata, January, Candy, Oyo Boy at Toni Gonzaga at dito makikita kung gaano ka-secure si Da King sa kanyang kinalalagyan.
Kinabukasan naman, April 27, sinuong nina FPJ at Bata ang mahabang traffic patungong Angeles, Pampanga kung saan din nagkaroon ng premiere night ang pelikula ng dalawang hari. Sa kabila ng hirap na kanilang dinaanan dahil sa bagyong Chedeng, dinagsa pa rin ng mga tao ang premiere night sa Angeles City in Pampanga.
Tuwang-tuwang ibinalita sa amin ng manager ni AiAi delas Alas na si Boy Abunda na tumatabo sa takilya ang launching flick ng kanyang alaga, ang Ang Tanging Ina na sabay nagbukas ng Pakners nina FPJ at Efren "Bata" Reyes. Itoy sa kabila rin ng masamang panahon sanhi ng bagyong si Chedeng na kumitil ng maraming buhay sa norte.
Sa tayo ngayon ni AiAi, walang alinlangan na siya ngayon na maituturing na comedy queen. Bukod sa singing at paggawa ng pelikula, ang singer-comedienne ay may apat na regular TV shows sa ABS-CBN, ang MTB, Arriba, Arriba at ang Whattamen at isa naman sa ABC-5, ang Sing-Galing with Allan K.
Ngayong separated na siya sa singer na si Miguel Vera, ama ng dalawa sa tatlo niyang anak, hindi kaya nagsisisi si Miguel sa kanyang ginawa kay AiAi?
Bukod kay Binoe (Robin), tampok din sa Alab ng Lahi (na isa sa anim na official entries ng Manila Film Festival) ang Japanese actor na si Jacky Woo, Eddie Garcia at Raymond Bagatsing. Ang istorya at script ay magkatulong na binuo nina Robin at Bebong at si Robin na rin mismo ang nag-research ng material na ginawa niya sa National Library sa loob ng dalawang araw.
Naniniwala si Robin na kapag napanood ng mga tao ang Alab ng Lahi ay doon lamang umano pahahalagahan ng mga ito ang kanilang pagiging isang tunay na Filipino.
First time na nag-produce ni Robin ng pelikula na siya rin ang pangunahing bituin.
Kamakailan lamang ay muling ni-renew ang kontrata ni Robin bilang celebrity endorser ng Restolax, isang indikasyon na effective ang action star bilang product endorser.
React to death ang mga naroon sa mga eksena nina FPJ at Bata lalo na sa mga eksenang magkasama silang dalawa. Kahit first movie pa lamang ni Bata ang Pakners, may potential itong maging isang mahusay na komedyante.
Ang nakakatuwa pa, kahit si FPJ ang producer ng pelikula, hinayaan din niyang lumutang ang mga characters nina Bata, January, Candy, Oyo Boy at Toni Gonzaga at dito makikita kung gaano ka-secure si Da King sa kanyang kinalalagyan.
Kinabukasan naman, April 27, sinuong nina FPJ at Bata ang mahabang traffic patungong Angeles, Pampanga kung saan din nagkaroon ng premiere night ang pelikula ng dalawang hari. Sa kabila ng hirap na kanilang dinaanan dahil sa bagyong Chedeng, dinagsa pa rin ng mga tao ang premiere night sa Angeles City in Pampanga.
Sa tayo ngayon ni AiAi, walang alinlangan na siya ngayon na maituturing na comedy queen. Bukod sa singing at paggawa ng pelikula, ang singer-comedienne ay may apat na regular TV shows sa ABS-CBN, ang MTB, Arriba, Arriba at ang Whattamen at isa naman sa ABC-5, ang Sing-Galing with Allan K.
Ngayong separated na siya sa singer na si Miguel Vera, ama ng dalawa sa tatlo niyang anak, hindi kaya nagsisisi si Miguel sa kanyang ginawa kay AiAi?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
58 minutes ago
By Salve V. Asis | 58 minutes ago
58 minutes ago
By Boy Abunda | 58 minutes ago
Recommended