^

PSN Showbiz

Nagkukunwaring maka-Diyos, nanlalamang naman ng kapwa

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kwento ng aking source, masama ang loob ng isang may-ari ng produksyon at promoter sa manager na ito dahil nang minsang mag-show sila at nagpatulong sa kanya sa show ay hindi nito akalain ay doon matatapos ang kanilang pagkakaibigan.

Noong una ay hanga siya sa manager dahil maka-Diyos ito at lagi silang nagdarasal, magkahawak kamay pa at nagpapasalamat kay Lord.

Pero ayon sa aking source, minsan ay may show sila at nakakuha sila ng major sponsor sa tulong din ng manager. Milyones ang halaga pero P700,000 lang daw ang napunta sa promoter. Kumuha rin daw ito ng mga ticket sa kabuuang 500 pero hindi nai-remit ang pinagbilhan.

Ang kawawang promoter ay labas-masok sa ospital dahil sa sama ng loob sa nasabing manager na mahilig gamitin si Lord pero mahilig palang manlamang sa kapwa.
P30-M Ang Halaga Ng Movie
Matagal nang pinangarap ni Robin Padilla na makagawa ng isang period movie na umiikot ang paksa sa pagmamahal sa bayan. Bumuo ito ng konsepto at nagpatulong sa kanyang tiyuhing direktor na si Bebong Osorio kaya nabuo ang pelikulang Alab ng Lahi. Nagtulung-tulong silang magkakapatid sa pagpapatakbo ng kanilang produksyon na pinangalanang RP Productions na ang line prodyuser ay si Rommel Padilla.

Nagkakahalaga ang pelikula ng 30 milyon dahil sa rami ng ekstra, costumes na ginamit at nagsyuting sa iba’t ibang dako ng kapuluan gaya ng Tarlac, Pampanga, Laguna, Antipolo at Kamaynilaan.

Kasosyo nila ang international Japanese actor na si Jacky Woo na naging malapit na kaibigan ng action star simula nang gawin nila ang TV mini-series na SATSU.

A dream come true ang pelikula sa dalawa dahil bagay ang papel na ginampanan nila. Isang Huk si Robin na nagngangalang Gregorio Magtanggol at Japanese officer naman si Jacky-Mayor Masayuki Yamato. Noong una ay magkaiba ang kanilang paniniwala tungkol sa bayan pero sa dakong huli ay naging magkaibigan sila dahil napagtanto ni Binoe na hindi pala kalaban ang mga Hapones. Entry ito sa darating na Manila Film Festival.
Wala Pang Plano Sa Pulitika
Nalampasan na ni Raymond Bagatsing ang mga dumating na krisis sa kanyang buhay partikular na ang paghihiwalay nila ng asawang si Lara Fabregas kaya naalis na ang bigat sa dibdib.

Isang taon at kalahati silang nagsama ni Lara bilang mag-asawa pero hindi nabiyayaan kahit isang anak. Ayon kay Raymond, mas nakabuti naman ito dahil kung nagkaanak sila ay magiging problema pa kung kanino mapupunta ang bata.

Whirlwind romance ang nangyari sa kanila matapos ang dalawang linggong pagkikilala ay nag-decide silang magpakasal agad. Civil wedding ito na idinaos sa Tagaytay at sinundan ng isang Ananda Marga wedding.

Umasa sila na mabubuo ang kanilang pamilya dahil inamin ng aktor na galing sila sa broken families. Mahal naman nila ang isa’t isa pero may mga bagay silang hindi napagkasunduan.

Magkabalikan pa kaya ang dalawa? "Bahala na! Ang mahalaga ay madalas naman kaming nag-uusap at tuloy ang communication naming dalawa. Sa isang buwan ay magtutungo si Lara ng Malaysia at tutuloy sa Amerika para mag-try doon ng kanyang career. Ako naman maganda ang takbo ng career dito. May pelikula ako at TV shows. Kasama rin ako sa bagong teleserye ng GMA, Narito Ang Puso Ko at kasama ako sa Sanib na entry namin sa Manila Film Festival," anang aktor.

May nagtanong din kung hindi ba siya papasok sa pulitika gaya ng kanyang lolo na si Boy Bagatsing at pinsang si Konsehal Don Michael Bagatsing? Sinabi ni Raymond na pwede naman siyang tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno pero hindi pa siya handa sa ngayon.

ANANDA MARGA

BEBONG OSORIO

BOY BAGATSING

DAHIL

DON MICHAEL BAGATSING

GREGORIO MAGTANGGOL

MANILA FILM FESTIVAL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with