Bf ni Jolina, nag-master sa NY

Kakainggit naman si Jolina Magdangal. Long hair as in puwede na siyang maging endorser ng shampoo. Ang rason: bukod pala sa boyfriend niyang si Bebong Muñoz na president ng Councilors League of the Philippines na nagma-master sa Columbia University ngayon, meron pa raw avid suitor ang actress na si Hamete Tribol na member ng isang old rich sa Sipalay, Bacolod. Do’n daw nag-spend ng Holy Week ang actress with Hamete’s family.

Wala raw kasi sa bansa si Bebong last Holy Week kaya tinanggap ni Jolina ang invitation ni Hamete.

Pero nasa bansa raw ngayon si Bebong at hindi raw yata alam ang tungkol sa bakasyon ni Jolina sa Bacolod ayon sa source ng Baby Talk.

Ganda ni Jolina ha! Kahit na panay ang deny niya na loveless siya, hindi niya puwedeng itago ‘yun di ba? Besides wala naman sigurong masama kung aaminin niya na may boyfriend siya dahil wala naman siyang ka-loveteam. At nasa right age na siya. Dapat nga maging proud siya dahil big time pala ang boyfriend niya at lalo na ang suitor niya.
*****
Maraming nag-react nang sabihin ni Michelle Estevez na virgin pa siya. Yes folks. Virgin pa raw si Michelle na nagkalat ang nude photos sa internet.

Pero hayaan na lang natin kung virgin siya. Saka ‘yung mga nude photos na-benefit naman siya ng dahil one of these days ay sisimulan na niya ang launching movie niya, ang Internet Queen under Imus Productions.

Actually, nakatulong sa career ni Michelle ang mga nasabing nude photos na kuha ng 7650 cellphone. Hindi naman talaga siya kilala before. Pasayaw-sayaw lang siya dati sa Klasmeyts. In fact, nang mag-appear siya sa office namin para sa anniversary ng Pilipino Star Ngayon, walang gustong pumansin sa kanya. Tanungan din nang tanungan ang mga officemates ko kung sino ‘yung girl. Pero nang magkaroon siya ng internet photos, biglang naging curious ang lahat.

Anyway, bago ang launching movie niya, isinama muna siya ng Imus Productions sa Ang Kapitbahay starring Belinda Bright at sa Bertud Ng Putik starring Bong Revilla and Rochelle Pangilinan.

Speaking of Ang Kapitbahay na nag-showing kahapon, in fairness maganda ang pelikula. Hindi lang ito basta-basta bold movie na puro na lang hubaran, may story ang movie. Kahit nga ang MTRCB ay impressed sa pelikula. Pagkatapos nga nilang panoorin ang movie, ang remark: "At long last, a movie that has bold elements that is done skillfully and with good taste! Ang Kapitbahay is a cautionary tale about a family curse that is aggravated by unfounded jealousy. Rich in plot, narrative and symbolism, expertly realized from a well-crafted script by a skilled director.

"Best appreciated by a mature adult audience, Ang Kapitbahay is proof that there is hope for the film industry. Recommended for discerning adults."

Actually bihirang magbigay ng ganitong remark ang MTRCB kaya ibig sabihin, maganda talaga ang pelikula.

Magaling si Belinda Bright dito, inosenteng-inosente ang dating niya. Actually, bagay sa kanya ang role na isang bulag na pinakasalan ni Albert Martinez dahil naniniwala sa sumpa na lahat ng panganay sa kanilang pamilya ay kakaliwain. Kaya bulag ang pinakasalan.

Pero sobrang selos ang naramdaman niya sa kapitbahay nilang si Joel Torre.

Wow ang acting ni Albert at Joel Torre na parang totoong ang galing mag-play ng violin.

Ang music, fabulous din. Si John Lesaca naman kasi ang nag-provide ng music.

Dapat mapanood n’yo ‘to dahil hindi ito puwedeng i-compare sa mga hubarang pelikula na walang katuturan ang story.

Maraming breast and frontal si Belinda na hindi garapal ang pagkakagawa.

Show comments