Claudine, Dominic at Marvin nagpatawaran

Na-touch ako while watching Claudine Barretto, Dominic Ochoa and Marvin Agustin singing together in ASAP Mania last Sunday. ‘Yun ang kauna-unahang pagkakataon na nagkasama ang tatlo matapos ang tampuhan noong kainitan ng pagkamatay ni Rico Yan. Kung inyong matatandaan, naging mag-bestfriends ang tatlo noong nabubuhay pa si Rico. At sa pagkawala ni Rico, nabahiran ang pagkakaibigang ‘yun na humantong pa sa palitan ng salita sa ere.

Noong Sunday, naging emotional ang tatlo habang kinakanta ang theme song nilang magkakaibigan noong buhay pa si Rico, ang "Keep Believing" ni Aaron Carter. Napansin ko ‘yung higpit ng yakapan nina Claudine at Dominic. Mukhang sila talaga ang naapektuhan ng tampuhan.

"Nagkikita kami pero hindi kami comfortable sa isa’t isa noon. But after that, ang gaan na ng feeling namin. At least, alam namin sa sarili namin, ayos na kami and Rico is surely happy seeing us together," sabi ni Dominic na sinang-ayunan naman nina Claudine at Marvin.

Nagpapasalamat sina Claudine, Dominic at Marvin sa effort ng common friends na tuluyan na silang magkaayos at magkapatawaran.
* * *
Showing today ang Ang Tanging Ina, ang launching movie ni Aiai delas Alas under Star Cinema. Masusubukan ang lakas sa takilya ni Aiai who is a certified concert crowd drawer. But gauging the interest ng publiko sa trailer pa lang, mukhang sure fire box-office hit ito. Malakas kasi ang impact ng trailer ng movie. Ako man ay napapahinto kapag nakikita ko ang trailer sa telebisyon.

"15 years ko itong hinintay, sana talaga suportahan ako ng publiko," sabi ni Aiai. "Ang wish ko noong nagsisimula pa lang ako, kapag naging artista ako at mabigyan ng chance na i-launch, gusto ko, sobrang sayang pelikula. At ipinangako ko rin na ibibigay ko ang best ko sa movie’ng ‘yun. Kaya dito sa Tanging Ina, talagang kinareer ko," sabi ni Aiai.

Inamin ni Aiai na hindi siya nag-inarte habang ginagawa ang movie. Anuman ang ipagawa sa kanya ni Wenn Deramas ay kanyang ginawa.

"Naku, mag-inarte pa ba ako? Talagang kahit tumambling ako, ginawa ko para lang sa ikagaganda ng pelikula at ikasasaya ng mga taong manonood. I’m proud to say na talagang ginalingan ko sa movie’ng ito."

In the movie, Aiai is heavily-supported by Edu Manzano, Jestoni Alarcon and Dennis Padilla. Kasama ang mga kids ng Talent Center na sina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Heart Evangelista, Carlo Aquino, Shaina Magdayao, Jiro Manio, Yukki Kaduka at may special participation sina Kaye Abad, John Prats, Angelica Panganiban at Alwyn Uytingco.
* * *
Patuloy pa rin ang tiwalang ibinibigay ng Blue Soda para kay Rafael Rosell IV bilang image model ng nasabing apparel. In fact, nag-renew si Raffy ng kanyang kontrata samantalang si Kaye Abad para sa Pink Soda. Mismong ang mabait na General Manager ng Pink and Blue Soda na si Ms. Chin-Chin la Rosa ay very happy sa magandang response ng tao sa kanilang line of clothing.

Recently, nag-pictorial sina Kaye and Raffy kasama ang popular young actor na ka-pamilya na rin ng Blue Soda. Bukod kay Rafael, image model din ang Talent Center ang aktor na bumabaha rin ngayon ng mga endorsements. As of press time, hindi pa pwedeng i-reveal ang pangalan ng aktor pero natitiyak naming magugustuhan ito ng mga fans.

Show comments