Kung tutuusin, nasa tamang edad na si Vina para lumagay sa tahimik. Naunahan na siya ng mga kaibigang sina Ruffa Gutierrez at Donita Rose. Ang mga kasamahan niya noon sa Thats Entertainment ay may mga asawat anak na. Sa kabila nito, sinasabi ni Vina na masaya pa rin siya at naka-concentrate ngayon sa kanyang mga negosyo. "Maunlad na ang aking Ystilo Beauty Salon at mayroon na kaming 16 branches. May bubuksan pang 15 branches sa taong ito. Kahit may gustong mag-franchise nito sa abroad ay gusto kong dito muna sa bansa magbukas lalo na sa ibat ibang panig ng lalawigan. Mayroon din akong pinatatakbong warehouse ng Coke sa Cebu na mina-manage ng partner ko at poultry na may 30,000 sisiw na kami rin ang growers at may kumukuha nito para rin ibenta," aniya.
Kahit walang pelikula ay may pinagkakaabalahan naman itong soap opera.
Sasali rin ang international action star sa Santakrusan sa May 30 at parada sa Hunyo 9 naman sa Grand Boulevard.
First time ni Jacky na makibahagi sa film festival kaya excited na ito lalo pa at talagang ipinagmamalaki nila ni Robin ang kanilang period movie na ginastusan ng 30 Milyon dahil ginamitan ng Dolby Digital sound at
daan-daang extra.
Kaso hindi gaanong makagiling ang sexy star dahil nasa harapan at nanonood ang kanyang Chinese boyfriend na super seloso. Paano nga naman makakapag-emote ang aktres na napaka-sexy pa naman kung matatalim ang titig sa kanya ng nobyo?
Ang ending, nagalit ang may-ari ng karaoke bar sa manager ng sexy star. Sumumpa ang may-ari na hinding-hindi na nila iimbitahin ang sexy star dahil lagi pa lang nakabuntot ang selosong nobyo nito.