Sakay ng pinahiram na Honda City, kailangang malampasan ng mga contenders ang ibat ibang pagsubok na ihahain ng organizers gaya ng mga hand-on drills, nakakalitong computer-manipulated "treasure-hunt-like" expedition to unknown destinations sa Subic at rough road obstacles sa Subic International Raceway. Nauna na rito ang "Pit Stop" test (last Monday) kung saan kinailangang mag-astang mekaniko ang mga contestant sa pag-set-up ng disassembled Honda City at ikabit ang gulong, manibela, mga turnilyo at kung anu-ano pang car parts na nakatanggal sa auto.
Hindi man isang milyon (of the countrys currency) na gaya ng foreign reality-based gameshows o mismong brand new Honda City ang ipamimigay, walang pag-aalinlangang tinanggap ng walong kalahok ang challenge.
Red Team: Magkaibigan mula sa grade school sina Dianne Sison at Michelle Pantoja (in their early 20s) at in their 12 years of friendship, wala pa silang tinanggihang dare. Theyre young, theyre vibrant and theyre fighters. Pangako ng dalawa na hindi sila basta-bastang susuko.
Blue Team: Hindi magpapatalo sa mag-bestfriend ang magkapatid na Rodney at Rodmark Barriga. Maliban sa pagkakapareho ng first syllable ng kanilang pangalan, theyre both born adventurers at mahilig sa kompetisyon. At isa pa, Rodmark (the younger one) hates losing.
Green Team: Iwan muna sa bahay ang mga anak dahil sina Mommy Chie at Daddy Jun Estevanez ay magsi-second honeymoon sa highway. Ang kanilang pagsasama bilang lovebirds ay swak rin kaya sa The Amazing City?
Yellow Team: Ang father-son tandem naman nina Richie at 18-year-old Josh Ylaya ang hindi paaawat patungong finish line. Simulat sapul marami na silang nagawang mga activities na magkasabay at ngayon naman ay masusubukan ang pinagsamang wisdom ng ama at youthful vigor naman ng anak sa road trial.
Ngayon, mas gustuhin nyo pa ba ang imported sa palabas na hindi naman hango sa panlasa nating mga Pinoy kung meron namang Filipino-made na The Amazing City-hosted by multifaceted sporty hunk Marc Leviste and beauty and brains sportscaster Jannel So? Malamang hindi. At dagdag pampakwela ang on-line games ng Honda sa www.amazingcity. com.ph, kung saan may impormasyon sa bagong Honda City at maging sa mga contestants.