^

PSN Showbiz

Amazing City ala-Survivor sa ABC-5

-
Nagsimula ng ipalabas noong May 19 sa ABC 5 (10:30) ang inaabangang karera ng Honda Cars Philippines Inc., The Amazing City, na isang mala-Survivor Series na 4 series reality contest. Sa kauna-unahang pagkakataon sa bansa, susubukin ang human ability at agility sa gitna ng mga dares at challenges gamit ang all-new revolutionary Honda City. Sa loob ng apat na episodes (tuwing Lunes) apat na ordinary but game-for-anything two-member teams red, blue green at yellow ang maglalaban-laban sa limang dares at challenges ng naturang "survival of the fittest" na larong ito.

Sakay ng pinahiram na Honda City, kailangang malampasan ng mga contenders ang iba’t ibang pagsubok na ihahain ng organizers gaya ng mga hand-on drills, nakakalitong computer-manipulated "treasure-hunt-like" expedition to unknown destinations sa Subic at rough road obstacles sa Subic International Raceway. Nauna na rito ang "Pit Stop" test (last Monday) kung saan kinailangang mag-astang mekaniko ang mga contestant sa pag-set-up ng disassembled Honda City at ikabit ang gulong, manibela, mga turnilyo at kung anu-ano pang car parts na nakatanggal sa auto.

Hindi man isang milyon (of the country’s currency) na gaya ng foreign reality-based gameshows o mismong brand new Honda City ang ipamimigay, walang pag-aalinlangang tinanggap ng walong kalahok ang challenge.

Red Team: Magkaibigan mula sa grade school sina Dianne Sison at Michelle Pantoja (in their early 20s) at in their 12 years of friendship, wala pa silang tinanggihang dare. They’re young, they’re vibrant and they’re fighters. Pangako ng dalawa na hindi sila basta-bastang susuko.

Blue Team: Hindi magpapatalo sa mag-bestfriend ang magkapatid na Rodney at Rodmark Barriga. Maliban sa pagkakapareho ng first syllable ng kanilang pangalan, they’re both born adventurers at mahilig sa kompetisyon. At isa pa, Rodmark (the younger one) hates losing.

Green Team: Iwan muna sa bahay ang mga anak dahil sina Mommy Chie at Daddy Jun Estevanez ay magsi-second honeymoon sa highway. Ang kanilang pagsasama bilang lovebirds ay swak rin kaya sa The Amazing City?

Yellow Team: Ang father-son tandem naman nina Richie at 18-year-old Josh Ylaya ang hindi paaawat patungong finish line. Simula’t sapul marami na silang nagawang mga activities na magkasabay at ngayon naman ay masusubukan ang pinagsamang wisdom ng ama at youthful vigor naman ng anak sa road trial.

Ngayon, mas gustuhin n’yo pa ba ang imported sa palabas na hindi naman hango sa panlasa nating mga Pinoy kung meron namang Filipino-made na The Amazing City-hosted by multifaceted sporty hunk Marc Leviste and beauty and brains sportscaster Jannel So? Malamang hindi. At dagdag pampakwela ang on-line games ng Honda sa www.amazingcity. com.ph, kung saan may impormasyon sa bagong Honda City at maging sa mga contestants.

AMAZING CITY

BLUE TEAM

CITY

DIANNE SISON

GREEN TEAM

HONDA

HONDA CARS PHILIPPINES INC

HONDA CITY

JANNEL SO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with