^

PSN Showbiz

Ms D., malaki ang galit kay KJ

-
Si Kristine Jaca ang isa sa mga seksing miyembro ng Viva Hot Babes na agad napansin ng mga kapwa niya ring artista. Naging usap-usapan siya ng mga kasamahan sa showbiz dahil siguro sa kanyang walang kiyemeng karakter.

Pagkatapos ng kanilang sensational ramp modeling sa The Fort, hindi na naging cooperative si Maui Taylor na sumipot sa pictorial, presscon at TV promo ng first musical show ng Viva Hot Babes entitled A Dream Concert na gaganapin naman sa Casino Filipino Parañaque sa May 31, Sabado ng gabi dahil sa ginawang pananapaw sa kanya ni Kristine. Si Kristine ang nangungunang pinakamasipag na mag-promote ng first concert ng kanilang grupo.

"Naunawaan ko naman ang sitwasyon ni Maui. Busy siya sa kanyang shooting noon, eh ilalabas na rin pala ang movie niya. Wala naman kaming samaan ng loob, basta trabaho lamang ito. Kung ano mang seductive performance ang gusto kong mangyari sa A Dream Concert, gagawin ko iyon onstage. Kung nakaya naming magpaseksi noon sa The Fort, kaya pa rin naming ulitin dito sa concert. At least, sabay silang maaaliw sa panonood ng pinaghalong paseksihan at kantahan," paglalahad niya.

Umiiwas si Kristine na intrigahin pa sila ni Maui. Gayundin ang pag-iwas na kalkalin pa ang hindi maunawaan daw na pagngitngit sa kanya ng premyadong aktres at witty TV host na si Dina Bonnevie.

"Iniyakan ko ang isyu sa amin pero nakaraan na iyon. Ayoko nang palakihin pa ang mga ganyang usapan," mailap niyang sabi.

May intriga na sinabi raw ni Dina na nagkakalat sa Viva office ang kanyang malalaswang picture. Pero wala naman daw mga obscene picture sa opisina. Hindi na rin kinumpirma ni Kristine kung si Dina nga ba talaga ang nagkakalat daw ng chismis. Iyak na lamang daw siya nang iyak sa isang tabi. (Ulat ni Gladys Ruth Reyes)

vuukle comment

CASINO FILIPINO PARA

DINA

DINA BONNEVIE

DREAM CONCERT

GLADYS RUTH REYES

KRISTINE

KRISTINE JACA

MAUI

VIVA HOT BABES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with