Michael, di sinusustentuhan ang mga anak
May 26, 2003 | 12:00am
Sa presscon ng Sanib ay nakausap namin ang magaling na aktres at direktor na si Gina Alajar at sinabi nitong dalawang taon na silang hiwalay ni Michael de Mesa. Nabanggit din nito na hindi sinusustentuhan ng actor ang mga anak nila dahil katwiran daw nito ay malalaki na ang mga ito at may hanapbuhay na.
Nakalagpas na sa sakit na dulot nang paghihiwalay si Gina pero naniniwala pa rin siyang baka magkabalikan pa sila ni Michael balang araw. Sabi nga ng isang kapatid sa hanapbuhay ay baka matulad sila kina Rosemarie Gil at Eddie Mesa na matagal na panahong naghiwalay bago nagsama ulit. Ayaw ipa-annul ng kanyang asawa ang kanilang kasal. Nanatili silang magkaibigan.
Paano ba makatrabaho si Direk Celso Ad Castillo?, tanong namin kay Gina.
"Noong walong taong gulang ako ay may gagawin sana akong pelikula sa kanya-Wanted Perfect Mother yata yun. Pero nilalagnat ako. Gusto ko nang umuwi kaya sinabi ni Direk na "Kung di kayo makapaghintay ay umalis na kayo" at tinandaan ko yon. Ngayon ay first time kaming magkakasama sa Sanib at naging close kami. Pag nakatrabaho mo siya, dapat ay alam mo ang laman ng utak niya at kung ano ang gusto niyang palabasin sa eksena. May mood kasi siya. Minsan na-memorize mo na ang blocking pero babaguhin niya ito dahil ni-revise niya ang script. Pero pag binago naman niya ang blocking ay nakakatiyak ka na lalabas itong mas maganda," aniya.
Si Gina ang direktor ng Narito ang Puso Ko ng GMA 7 na tinatampukan nina Jolina Magdangal at Raymart Santiago.
OKEY LANG NA PANG-SUPORTA
Tinanong namin si Ana Capri na kasama rin sa Sanib kung ano ang masasabi niya na pang-suporta na lang siya kay Aubrey Miles. "Tita, kailangan tanggapin ko na pana-panahon lang ang pag-aartista. Mas mabuti naman ito kaysa wala akong pelikula. At least visible pa rin ako. Kaya lang, nalulungkot din ako dahil hindi na ako katulad noon na namamayagpag bilang bida ng pelikula," sey ng aktres.
Stable pa rin ang relasyon nila ng kanyang Chinese boyfriend pero wala pa silang planong lumagay sa tahimik.
Nakausap din namin si Direk Celso Ad Castillo. Ayon sa magaling na direktor ay maswerte sa kanya ang mga horror movies dahil nagkamit ito ng mga awards gaya ng Patayin sa Sindak si Barbara kung saan tinanghal na Asias Best Actress si Rosanna Ortiz, Maligno, Kulay Dugo ang Gabi at Pedro Penduko.
Sinabi rin niya na napapanahon ngayon ang mga horror films dahil kumita sa takilya ang The Ring at The Eye. "Mukhang Japanese si Aubrey at parang gumagawa rin ako ng Japanese horror movie.
"Sa panahon ngayon ay hindi alam ng prodyuser ang kanilang gagawing pelikula. Dahil sa cost cutting ay dalawang klase ng pelikula ang malamang na kumita sa takilya ang-bold at horror. Magandang paksa ang tungkol sa pagsanib ng demonyo sa isang tao na siyang paboritong panoorin ng mga tao. Ang Sanib ang nag-iisang katatakutang pelikula sa MFF kaya tiyak kong kikita ito sa takilya," anang direktor.
Sinuspende ng Filipino Academy of Movie Arts & Sciences (FAMAS) ang isa sa board of directors nilang si Nap Alip. Naging vocal kasi ito sa kontrobersyal na pagkapanalo ni Aleck Bovick bilang best actress.
Sa tulong ng abogadong si Atty. Dexter Lacuanan ay nagsampa si Nap ng libel case laban kay Vir Mateo dahil sa pagtawag sa kanya ng liar o sinungaling.
Isinampa ang kaso noong Huwebes sa sala ni Prosecutor Bernardino Capiles. Magsasampa rin ito ng administrative charges laban naman sa FAMAS president na si Charlie Arcega.
Ayon kay Atty. Lacuanan ay humahanga siya sa matibay na prinsipyo at paninindigan ni Alip. Sabi nga ng kolumnista ay nagpasya siyang dalhin na ito sa korte para magkaroon ng liwanag ang kanyang mga katanungan at matapos na ang anomalya rito.
May nakarating sa aming balita na may katarayan pala ang sweet na sexy star na akala moy hindi makabasag pinggan. Hindi pala maganda ang trato nito sa kanyang alalay kung saan sobra kung murahin niya ito at nagpapakawala pa ng masasakit na salita. Mahilig din itong manigaw sa konting pagkakamali. Maswerte ang aktres dahil kahit maldita ito ay hindi pa siya nilalayasan ng alalay na nagtitiis sa kanyang piling.
Naging kontrobersyal ang seksing aktres nang maugnay ito sa isang lalaking mayaman pero may sabit na.
Nakalagpas na sa sakit na dulot nang paghihiwalay si Gina pero naniniwala pa rin siyang baka magkabalikan pa sila ni Michael balang araw. Sabi nga ng isang kapatid sa hanapbuhay ay baka matulad sila kina Rosemarie Gil at Eddie Mesa na matagal na panahong naghiwalay bago nagsama ulit. Ayaw ipa-annul ng kanyang asawa ang kanilang kasal. Nanatili silang magkaibigan.
Paano ba makatrabaho si Direk Celso Ad Castillo?, tanong namin kay Gina.
"Noong walong taong gulang ako ay may gagawin sana akong pelikula sa kanya-Wanted Perfect Mother yata yun. Pero nilalagnat ako. Gusto ko nang umuwi kaya sinabi ni Direk na "Kung di kayo makapaghintay ay umalis na kayo" at tinandaan ko yon. Ngayon ay first time kaming magkakasama sa Sanib at naging close kami. Pag nakatrabaho mo siya, dapat ay alam mo ang laman ng utak niya at kung ano ang gusto niyang palabasin sa eksena. May mood kasi siya. Minsan na-memorize mo na ang blocking pero babaguhin niya ito dahil ni-revise niya ang script. Pero pag binago naman niya ang blocking ay nakakatiyak ka na lalabas itong mas maganda," aniya.
Si Gina ang direktor ng Narito ang Puso Ko ng GMA 7 na tinatampukan nina Jolina Magdangal at Raymart Santiago.
OKEY LANG NA PANG-SUPORTA
Tinanong namin si Ana Capri na kasama rin sa Sanib kung ano ang masasabi niya na pang-suporta na lang siya kay Aubrey Miles. "Tita, kailangan tanggapin ko na pana-panahon lang ang pag-aartista. Mas mabuti naman ito kaysa wala akong pelikula. At least visible pa rin ako. Kaya lang, nalulungkot din ako dahil hindi na ako katulad noon na namamayagpag bilang bida ng pelikula," sey ng aktres.
Stable pa rin ang relasyon nila ng kanyang Chinese boyfriend pero wala pa silang planong lumagay sa tahimik.
Sinabi rin niya na napapanahon ngayon ang mga horror films dahil kumita sa takilya ang The Ring at The Eye. "Mukhang Japanese si Aubrey at parang gumagawa rin ako ng Japanese horror movie.
"Sa panahon ngayon ay hindi alam ng prodyuser ang kanilang gagawing pelikula. Dahil sa cost cutting ay dalawang klase ng pelikula ang malamang na kumita sa takilya ang-bold at horror. Magandang paksa ang tungkol sa pagsanib ng demonyo sa isang tao na siyang paboritong panoorin ng mga tao. Ang Sanib ang nag-iisang katatakutang pelikula sa MFF kaya tiyak kong kikita ito sa takilya," anang direktor.
Sa tulong ng abogadong si Atty. Dexter Lacuanan ay nagsampa si Nap ng libel case laban kay Vir Mateo dahil sa pagtawag sa kanya ng liar o sinungaling.
Isinampa ang kaso noong Huwebes sa sala ni Prosecutor Bernardino Capiles. Magsasampa rin ito ng administrative charges laban naman sa FAMAS president na si Charlie Arcega.
Ayon kay Atty. Lacuanan ay humahanga siya sa matibay na prinsipyo at paninindigan ni Alip. Sabi nga ng kolumnista ay nagpasya siyang dalhin na ito sa korte para magkaroon ng liwanag ang kanyang mga katanungan at matapos na ang anomalya rito.
Naging kontrobersyal ang seksing aktres nang maugnay ito sa isang lalaking mayaman pero may sabit na.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended