Naghihirap na ba si Edu Manzano?

Marami ang nakakakitang sumasakay si Edu Manzano sa MRT. Ang maganda sa aktor ay inamin nito na talagang ginagawa niya ito.

"Kailangan nating maging practical. Di naman sa ako’y nagtitipid kaya lang, dapat i-consider natin ang time element sa biyahe papuntang trabaho. Mula sa Makati ay nakukuha kong makarating sa ABS-CBN ng 20 minutes which is very impossible kung sumakay ako sa kotse ko.

"Sumasakay din ako ng tricycle kung ako’y nagmamadali mula ABS-CBN hanggang sa MRT station sa Quezon Avenue. Pero bago ‘yan, pinapauna ko na ang aking sasakyan sa lugar ng aking appointment at sinusundo na lang ako sa station na malapit sa lugar ng aking ka-appointment." (Ulat ni Alex Datu)

Show comments