Ayaw nang makipagbalikan ng aktres
May 25, 2003 | 12:00am
Napagod na ang puso ng premyadong aktres dahil sa ilang ulit na paghihiwalay at pagbabalikan nilang mag-asawa. Tumigas na rin ang kanyang kalooban. Na-realize nito na hindi na sila pwedeng magkasundong mag-asawa na isa ring sikat na aktor, kaya kung siya ang masusunod, gusto na nitong ma-annul na ang kanilang kasal pero ayaw pa rin ng kanyang asawa kahit may bago na itong relasyon.
Tatlong taon na silang hiwalay at nakapag-adjust na siya. Masaya na ang aktres sa kanyang buhay sa piling ng mga anak.
Matagal naming nakakwentuhan si Aubrey Miles na bida ng Sanib ng MAQ Productions na entry sa darating na MFF. Sinabi nito na hindi siya apektado kahit lagi na lang siyang second choice. "Noong una ay sa Prosti. Dapat ay kay Assunta de Rossi ito gayundin ang Xerex na laan din sa kanya. Ikatlo nga itong Sanib dahil dapat ay si Kris Aquino ang bida rito pero pinalitan ko rin. Maswerte naman ako dahil magaganda naman ang mga proyekto at magagaling pa ang mga direktor ko," aniya.
Hindi naging mahirap para kay Aubrey na gampanan ang role ng isang possessed lady dahil napanood niya ang Exorcist noon. Kahit sinasabing magaling siyang umarte ay parang kulang pa rin ang kanyang akting. "Perfectionist kasi ako at gusto kong magandang-maganda talaga ang aking pag-arte," sey pa nito.
Pang-GP ang pelikula kaya kahit mga bata ay pwedeng panoorin ang pelikula ng seksing aktres.
Excited na si Joel Torre dahil sa kanyang bagong negosyo na Manukan Grill. Bago binuksan ang negosyo ay marami siyang kinunsultang mga kaibigan kaya siguro maganda ang pasok ng pera.
Sa kabilang banda, aktibo pa rin ang career ni Joel sa paglipas ng maraming taon hindi lang sa pelikula kundi gayundin sa telebisyon.
Tatlo ang pelikula nito sa kasalukuyan, ang Kapitbahay, Sanib at The Chavit Singson Story. Kasama rin siya sa teleserye na Sanay Wala Nang Wakas.
Nag-enjoy ako sa episode na "Bading-Badingan Lang" sa Sis. Naging panauhin sina Biboy Ramirez, Nonie Buencamino, Calvin Millado, Cris Villanueva at Ian Veneracion. Ang galing talaga nila.
Iisa lang ang naging sagot nila kung bakit tumanggap sila ng ganitong klase ng role dahil challenging talaga.
Napanood ko rin ang Magpakailanman ni Mel Tiangco noong Huwebes. Isinadula nila ang tunay na kasaysayan ni Snooky Serna. Magaling at makatotohanang nailarawan ni Angelika dela Cruz ang buhay ng aktres lalo na noong nagkaroon ito ng sakit na anorexia.
Nakakapanghinayang nga lang dahil hanggang ngayon ay hindi napapansin ng Viva Films ang acting talent ni Angel. Mga sexy films ang inaalok sa kanya gaya ng Sukdulan na hindi naman bagay sa kanya.
Sa galing umarte ng aktres ay pwede itong maging bida-kontrabida gaya nang ginagawa ni Maricel Soriano.
Handang-handa na ang Sex Bomb Girls sa kanilang major concert na gagawin sa Cuneta Astrodome ngayong Mayo 30. Magiging guest nila si Janno Gibbs, PowerImage at Glamour Boys Dancers sa direksyon ni Louie Guarin.
Minsan pang patutunayan ng labing-apat na miyembro ng Sex Bomb ang kahusayan nila sa pag-awit at pagsayaw sa pangunguna ni Rochelle Pangilinan na isa na ring artista ngayon. Excited na ang lahat at umaasa sila na sanay mapuno nila ang venue dahil naiibang pagtatanghal ang kanilang ihahandog sa manonood.
Ang Sex Bomb Girls in concert ay prodyus ng Philippine Military Academy (Masikap Class 77) sa pamumuno ni P/S Supt. Orlando Pestaño na ang beneficiary ay mapupunta sa mga mahihirap na pamilya ng PMA (Class 77) gayundin sa scholarship program nila. Punung-abala rin si Col. Arman Taluban at Jessie Engson.
Ang ticket ay mabibili sa halagang 1,000, 500, 400, 300 at 200 sa SM Ticketnet at mismong sa Cuneta Astrodome.
Tatlong taon na silang hiwalay at nakapag-adjust na siya. Masaya na ang aktres sa kanyang buhay sa piling ng mga anak.
Hindi naging mahirap para kay Aubrey na gampanan ang role ng isang possessed lady dahil napanood niya ang Exorcist noon. Kahit sinasabing magaling siyang umarte ay parang kulang pa rin ang kanyang akting. "Perfectionist kasi ako at gusto kong magandang-maganda talaga ang aking pag-arte," sey pa nito.
Pang-GP ang pelikula kaya kahit mga bata ay pwedeng panoorin ang pelikula ng seksing aktres.
Sa kabilang banda, aktibo pa rin ang career ni Joel sa paglipas ng maraming taon hindi lang sa pelikula kundi gayundin sa telebisyon.
Tatlo ang pelikula nito sa kasalukuyan, ang Kapitbahay, Sanib at The Chavit Singson Story. Kasama rin siya sa teleserye na Sanay Wala Nang Wakas.
Iisa lang ang naging sagot nila kung bakit tumanggap sila ng ganitong klase ng role dahil challenging talaga.
Nakakapanghinayang nga lang dahil hanggang ngayon ay hindi napapansin ng Viva Films ang acting talent ni Angel. Mga sexy films ang inaalok sa kanya gaya ng Sukdulan na hindi naman bagay sa kanya.
Sa galing umarte ng aktres ay pwede itong maging bida-kontrabida gaya nang ginagawa ni Maricel Soriano.
Minsan pang patutunayan ng labing-apat na miyembro ng Sex Bomb ang kahusayan nila sa pag-awit at pagsayaw sa pangunguna ni Rochelle Pangilinan na isa na ring artista ngayon. Excited na ang lahat at umaasa sila na sanay mapuno nila ang venue dahil naiibang pagtatanghal ang kanilang ihahandog sa manonood.
Ang Sex Bomb Girls in concert ay prodyus ng Philippine Military Academy (Masikap Class 77) sa pamumuno ni P/S Supt. Orlando Pestaño na ang beneficiary ay mapupunta sa mga mahihirap na pamilya ng PMA (Class 77) gayundin sa scholarship program nila. Punung-abala rin si Col. Arman Taluban at Jessie Engson.
Ang ticket ay mabibili sa halagang 1,000, 500, 400, 300 at 200 sa SM Ticketnet at mismong sa Cuneta Astrodome.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended