Mga bagong mukha sa showbiz

Kamakailan lamang ay inilunsad ng ABS CBN ang 21 na mga bagong mukha ng kabataan na kasalukuyang hinahasa nila para maging malalaking bituin sa malapit na hinaharap.

Sa ilalim ng umbrella ng Star Circle Batch 11, marami sa mga bagong mukha ay dating mga child stars (Emman Abeleda, Rayver Cruz, John Wayne Sace) at marami rin ang nagsimula sa pagiging commercial models (Dustin Reyes, Jill Yulo, Juddha Paolo, Pauleen Luna, Pascal Greco, Sarita Perez de Tagle). Apat sa mga ito ay pamangkin ng mga artista (Nica Peralejo, John at Cholo Barretto, Glaiza de Castro (Dan Alvaro) at ang iba pa ay napanood na sa mga palabas ng Dos bago pa ang kanilang launching (Pia Romero, Mhyco Aquino, Sergio Garcia, Mico Aytona). Bagaman at complete unknown ang iba pa (Bryan Tan, Paolo Paraiso, Valerie Martinez, Carla Humphries), napasama sila sa grupo hindi lamang dahilan sa kanilang good looks kundi dahilan sa kanilang talents.

Ang grupo ay nakatakdang magkaroon ng TV launching bukas, Linggo, Mayo 25, sa programang ASAP.
* * *
Si Juliana Palermo, ang unanimous choice ng Maverick Films at ng direktor nito na si Tikoy Aguiluz para gumanap sa title role ng pinaysex.com, isang pelikula na may maselang tema at mga maiinit na eksena.

Si Juliana si Joana, isang sexually liberated FilAm girl na kababaliwan ng mga lalaki sa mundo ng cybersex. Sa isang eksena, kinailangan niyang sumayaw sa harap ng web camera na naka-see-through underwear lang, walang saplot sa itaas. At higit pa rito ay kung anu-ano pa ang gagawin niya upang kahiligan siya ng mga lalaking nahuhumaling sa pakikipag-sex sa pamamagitan ng computer.

Hindi niya inatrasan ang lahat ng mga sexy scenes. "I enjoyed shooting the movie. Marami akong natutunan. I’m also happy to have worked with Direk Tikoy who made me feel comfortable during he shooting. I’ve seen some sexy films but pinay- sex.com is really something different. I hope the public will like it," sabi ni Juliana.

Kaabang-abang din ang pakikipagsabayan ni Juliana kina Gary Estrada, Carlo Maceda at Angelu de Leon na di rin nagpaawat sa mga maiinit na eksena. Marami ang nagsasabi na nagpatalbugan sina Juliana at Angelu sa pelikulang ito.

Si Juliana ang cover ng FHM ngayong buwan. Makikita rin ang ilan sa kanyang mga photos pati na ang behind the scene video, director’s cut trailer sa website (pinaysex.com) ng pelikula.
* * *
May free concert bukas ng gabi, 6:00 si Alma Moreno sa Cuneta Astrodome. Marami siyang guest stars and singers na magpi-perform.
* * *
Muling hahataw ang Showgirls, isang dance concert na nagtatampok sa mga dancing queens na sina Angela Velez at Regine Tolentino kasama sina Aleck Bovick, Michelle Bayle, Jenny Miller, Angelica Jones, Ynez Veneracion, Michelle Estevez, Apreal Tolentino at Cherry Lou, sa Mayo 31, 9 pm sa Casino Filipino-Angeles.

Bukod sa mga
Showgirls, kasama rin sa concert ang mga magagaling na stand up commedienne/singers na sina Ethel Booba, Tuesday Vargas, Whiplash at Groove Manila Dancers.

Sponsors ang Casino Filipino Angeles, Gilbey’s Gin, Century Resort Hotel, Betis House of Decor, Mekeni Food Corp, Master Styling Gel, Narure’s Spring Mineral Water with the support of
Atty. Emily Padua, Sr. Managing Head, PAGCOR Ent. Branch, Jessica Arambulo , Asst. Managing Head at Ernie Francisco, Branch Mgr, Casino Filipino-Angeles.

Ang mga tiket
ay mabibili sa halagang P2000, P1000 at P500, sa lahat ng SM Ticketnet outlets (9115555), Casino Filipino Angeles (045-3321196 to 98) at Live Artist Production (9202643/0918-9221542).

Show comments