^

PSN Showbiz

May album na ang Power Four

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Tama ang sikat na song writer na si Vehnee Saturno sa pagkilatis sa talento ni Nyoy Volante na nadiskubre niya sa isang bar.

Kinahiligan na kasi ng barkada ni Nyoy na hilingan siyang kumanta sa mga pinupuntahan nilang bar. Nagkataon na nandun si Mr. Saturno isang gabing nagkakatuwaan sila. Lumapit kay Nyoy at nag-request ito na kantahin niya ang "It Might Be You". Pinagbigyan naman ni Nyoy na walang idea na ang nagri-request sa kanya ay ang mismong respetadong song writer ng bansa. Pagkatapos niyang kumanta, binigyan siya ni Mr. Saturno ng calling card at binilinan siyang mag-return call dito.

After three months lang siya nag-return call kay Mr. Vehnee. Naisip niyang wala namang mawawala kung susubukan niyang tawagan ito. Do’n nagsimula ang lahat.

Viva Records
ang unang nagbigay ng album sa kanya na naglalaman ng mga novelty songs na naging maganda naman ang kinalabasan.

Six years old pa lang ay mahilig na talagang kumanta si Nyoy. Tinuruan siyang tumugtog ng gitara at piano ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki. Nagtapos ito ng kursong Technical Theater sa St. Benilde. Habang tumutugtog kasama ang kanyang banda.

Pero ngayon ay unti-unti nang nakikilala ang 25 anyos na singer. Katunayan ay ayaw na siyang pakawalan sa kanyang regular gig sa Hard Rock Cafe tuwing Huwebes.

Busy ngayon si Nyoy sa pagsusulat ng mga kanta para sa bago niyang album.
*****
Nagbunga rin ang tatlong buwan na pagi-ensayo ng Power Four (P4) na binubuo nina Jay Salas, Frank Garcia, Greg Martin at Jordan Herrera para sa una nilang album na "P4 Power Four" na inilunsad nung Martes ng gabi sa 8th Day.

Goal ngayon ng grupo na maka-penetrate sa MTV Asia. Actually lahat nang nakapanood sa kanilang album launching ay humanga sa kanila.

Hindi rin mapapahiya ang Power Four kung ikukumpara sila sa The Hunks at Masculados. Bibigyan nila ito ng magandang laban pagdating sa kantahan at sayawan.

Kaya panay ang pasasalamat nila sa album producer na si Ms. Bella Tan. Anila, katuparan ito ng kanilang pangarap.

Naging sulit ang mga pagtuturo ng mag-inang Geleen at Miggy Tanchangco sa grupo dahil na-develop ang kanilang skills sa pagsasayaw. At mahilig pala talaga silang kumanta kaya walang problema sa pag-ensayo ang mga ito. Nagpa-practice sila from one o’ clock to six p.m. At minsan ay ginagabi pa sila ng husto. Pero walang regret ang apat na myembro dahil talagang na-develop ang kanilang talent sa pagkanta na siyang maririnig sa kanilang album. Maganda ang blending ng kanilang mga boses. Si Greg Martin ang rapper sa grupo. Sina Jay at Frank ang tenor at samantalang si Jordan ang nagsilbing alto.

Ang "P4 Power Four" album ay release ng Universal Records.

ALBUM

FRANK GARCIA

GREG MARTIN

HARD ROCK CAFE

IT MIGHT BE YOU

JAY SALAS

MR. SATURNO

NYOY

POWER FOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with