Ang pinakabagong recruit ng Dos ay ang writer-director na si Ipe Pelino ng Kool Ka Lang kasama ang mga talents nitong sina Long Mejia at Dagul na parehong kasama sa nasabing sitcom ng Siyete.
Nang lumipat si Ipe sa Dos, pinalitan naman siya ni Al Tantay bilang direktor ng Kool Ka Lang. Hindi pa lang namin alam kung ano ang bagong assignment sa Dos nina Direk Ipe, Long at Dagul.
Napag-alaman din namin na hihintayin lamang ni Lorna Tolentino na matapos ang kanyang tumatakbong teleserye, ang Kay Tagal Kang Hinintay. Pagkatapos nito ay sigurado na ang kanyang paglipat sa Siyete.
Not too long ago, magkakasunod na lumipat ng Siyete mula sa Dos sina Carmina Villaroel, Pops Fernandez at Ariel Rivera.
Hindi rin puwedeng ihambing ang concert ni Guy sa ibat ibang singing divas na may kung ilang beses na ring nagtanghal sa Big Dome dahil iba siya sa kanila. Hindi kailangan ni Guy na magtatalon o maglulundag sa kanyang performance. Ang tangi niyang maipagmamalaki ay ang kanyang golden voice na hanggang ngayon ay wala pa ring kupas.
Si Ricky Lee ang sumulat ng script mula sa direksyon ni Al Quinn na naging direktor ni Guy (Nora) sa kanyang now-defunct Superstar na tumagal sa ere sa loob ng mahigit dalawang dekada.
Karamihan sa mga inawit ni Guy sa nasabing concert ay mga classic hits na may kinalaman sa kanyang buhay at career. Majority ng mga taong nanood ay matatawag na loyal fans ni Guy through the years mga lolot lola, mga nanay at tatay at pati na mga anak.
Palibhasay hindi inabutan ng eleven-year old kong anak na si Aila Marie ang mga songs na inawit ni Guy, hindi ito maka-relate at na-bored siya throughout the show. Pero sa mga 20s pataas lalo na sa may mga edad (tulad namin) ay nag-enjoy nang husto sa repertoire ni Guy lalo na sa kanyang Tawag ng Tanghalan days winning song, "People". Nagpakita rin ng excerpts ng history ni Guy sa showbiz at kasama na rito ang mga classic movies na kanyang ginawa.
Magaganda ang gowns na isinuot ni Guy na likha ni Nono Palmos at maganda rin ang kanyang hair and make-up courtesy of Leony Diaz.
Naging special guests ni Guy sina ZsaZsa Padilla, Wency Cornejo, Carol Banawa, Desiree del Valle, Hotlegs at ang Mandaluyong Boys Choir ganundin si Girlie Sevilla, anak ni Madame Violet ng Violet Films.
Hindi namin namataan sa audience sina Ian at Matet de Leon pero naroon si Lotlot kasama ang tatlong anak nitong babae habang nasa backstage naman sina Kiko at Kenneth. Naroon din sa audience para bigyan ng moral support si Guy ang mga kasamahan niya sa teleseryeng Bituin na sina Celia Rodriguez, Efren Reyes, Gardo Versoza at Michael de Mesa kasama ang non-showbiz girlfriend nito na parang anak na lamang niya. Naroon din sina Direk Elwood Perez, Rez Cortez at Allan K.
The concert was pre-taped by ABS-CBN for a May 25 airing.
Speaking of ABS-CBN, nalulungkot na ibinalita sa amin ng press photographer na si Tess Evangelista na binastos-bastos umano siya ng ilang production staff ng ABS-CBN covering the event dahil exclusive umano yung affair na yon ng Dos. Suot-suot ni Tess ang production ID ng Ace Entertainment na siyang nag-produce ng concert ni Guy at pirmado yun ng producer na si Nory Sayo. Gayunpaman, binalewala pa rin ng mga taga-Dos ito at may kung ilang beses ipinagtabuyan si Tess na animoy may nakakahawang sakit. Tuloy, hindi nakakuha si Tess ng magagandang shots ng show ni Guy dahil pinagbawalan umano siya ng production staff ng ABS-CBN.