Mas pinili ang pamilya kaysa carreer
May 22, 2003 | 12:00am
Nagulat ako sa rebelasyon ni Assunta de Rossi sa Morning Girls With Kris & Korina kamakalawa kung saan at paano nagsimula ang gulo sa kanyang pamilya. Ito yung away nila ng kanyang ina at kapatid na si Alessandra de Rossi. Inamin ni Assunta na nagsimula ang lahat nang gawin niya ang pelikulang Kilabot at Kembot.
"I was made to do things against my will," pag-amin nito. "Like yung kailangan kong i-reshoot yung ilang lovemaking scenes namin ni Bong (Revilla, Jr.). Alam mo yung feeling na ni-rape ka? Kaya ang sama-sama ng loob ko non. Doon na nagsimula ang lahat ng gulo. At that time, talagang ang gulo ng isip ko at ang sama ng loob ko sa mga taong malalapit sa akin," litanya ni Assunta.
Mararamdaman mo yung sama ng loob ni Assunta habang ikinukwento kina Kris at Korina ang kanyang pinagdaanan.
Ang nakarating sa aming balita, after the said guesting ni Assunta, pilit na pinapa-retract ni Bong ang mga sinabi ni Assunta. Hindi lang namin alam kung mapipilit si Assunta na bawiin ang kanyang mga sinabi.
Speaking of Assunta, kasama siya sa bagong series ng ABS-CBN, ang Buttercup na magsisimula sa May 31. Ito ang isa sa pinagkakaabalahan ni Assunta bukod sa ASAP Mania tuwing Linggo.
Ang malungkot na buhay ng mag-asawa mula sa Batangas ang kwentong isasadula sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Magkasunod na naulila ang mag-asawa ng kanilang dalawang anak na lalaki. Ang panganay ay namatay sa sakit na cancer and after six months, sumunod naman ang dalawang anak na namatay sa leukemia.
Ang balita namin, napaluha ang buong staff ng MMK habang binabasa ang kwento ng mag-asawa.
Ang Asian Television awardee for Best Actress na si Jaclyn Jose ang gaganap na nanay at si Ricky Davao naman ang tatay. Sina Carlo Aquino at Emman Abeleda ang gaganap na dalawang anak. Si Cathy Garcia- Molina ang nagdirek ng episode.
Naiintidihan namin kung bakit very proud si Bayani Agbayani sa kanyang asawang si Lenlen Agbayani. Kahit nga marami ang nagsasabing super-selosa si Lenlen, nakita ni Bayani ang pagmamahal ni Lenlen sa kanilang pamilya.
"Lenlen is a loving wife and mother," kwento ng isang malapit sa asawa. "Shell do anything para sa kanyang pamilya. Pareho sila ni Bayani pagdating sa pagmamahal sa pamilya. Kaya talagang going strong ang kanilang pagsasamahan."
Marami na ring sinakripisyo si Lenlen. Dati siyang nasa production ng ABS-CBN until nag-decide si Bayani na mag-resign na lang si Lenlen sa trabaho nito. Dahil gustong mapagtuunan ng pansin ang kanilang pamilya. Kahit nga at that time ay very promising na rin ang career ni Lenlen sa ABS-CBN production.
Sa ngayon, tatlo na ang anak nina Bayani at Lenlen. Blessed naman si Bayani ng magandang career. Imagine, all his shows, namely Magandang Tanghali Bayan, OK Fine Whatever at Klasmeyts (Code Na!) ay pawang mga toprating programs. Kung mapapansin ninyo, kaliwat kanan din ang endorsements niya.
Still on Bayani, nabalitaan namin na interesado ang MMK na isadula sa telebisyon ang kanyang life story. Minsan na rin naming nakausap si Bayani tungkol sa kanyang buhay at sa totoo lang, naluha kami habang ikinukwento niya ang hirap na kanyang pinagdaanan. Naku, tiyak na marami ang mai-inspire kapag natuloy ang pagsasadula sa telebisyon ng buhay ni Bayani.
At dahil may malinis na puso at mapagmahal na asawa, anak at ama, inaani ni Bayani ang bunga ng kanyang pinagdaanan.
For your comments and reactions, you can e-mail me at ericjohn salut@yahoo. com
"I was made to do things against my will," pag-amin nito. "Like yung kailangan kong i-reshoot yung ilang lovemaking scenes namin ni Bong (Revilla, Jr.). Alam mo yung feeling na ni-rape ka? Kaya ang sama-sama ng loob ko non. Doon na nagsimula ang lahat ng gulo. At that time, talagang ang gulo ng isip ko at ang sama ng loob ko sa mga taong malalapit sa akin," litanya ni Assunta.
Mararamdaman mo yung sama ng loob ni Assunta habang ikinukwento kina Kris at Korina ang kanyang pinagdaanan.
Ang nakarating sa aming balita, after the said guesting ni Assunta, pilit na pinapa-retract ni Bong ang mga sinabi ni Assunta. Hindi lang namin alam kung mapipilit si Assunta na bawiin ang kanyang mga sinabi.
Speaking of Assunta, kasama siya sa bagong series ng ABS-CBN, ang Buttercup na magsisimula sa May 31. Ito ang isa sa pinagkakaabalahan ni Assunta bukod sa ASAP Mania tuwing Linggo.
Ang balita namin, napaluha ang buong staff ng MMK habang binabasa ang kwento ng mag-asawa.
Ang Asian Television awardee for Best Actress na si Jaclyn Jose ang gaganap na nanay at si Ricky Davao naman ang tatay. Sina Carlo Aquino at Emman Abeleda ang gaganap na dalawang anak. Si Cathy Garcia- Molina ang nagdirek ng episode.
"Lenlen is a loving wife and mother," kwento ng isang malapit sa asawa. "Shell do anything para sa kanyang pamilya. Pareho sila ni Bayani pagdating sa pagmamahal sa pamilya. Kaya talagang going strong ang kanilang pagsasamahan."
Marami na ring sinakripisyo si Lenlen. Dati siyang nasa production ng ABS-CBN until nag-decide si Bayani na mag-resign na lang si Lenlen sa trabaho nito. Dahil gustong mapagtuunan ng pansin ang kanilang pamilya. Kahit nga at that time ay very promising na rin ang career ni Lenlen sa ABS-CBN production.
Sa ngayon, tatlo na ang anak nina Bayani at Lenlen. Blessed naman si Bayani ng magandang career. Imagine, all his shows, namely Magandang Tanghali Bayan, OK Fine Whatever at Klasmeyts (Code Na!) ay pawang mga toprating programs. Kung mapapansin ninyo, kaliwat kanan din ang endorsements niya.
Still on Bayani, nabalitaan namin na interesado ang MMK na isadula sa telebisyon ang kanyang life story. Minsan na rin naming nakausap si Bayani tungkol sa kanyang buhay at sa totoo lang, naluha kami habang ikinukwento niya ang hirap na kanyang pinagdaanan. Naku, tiyak na marami ang mai-inspire kapag natuloy ang pagsasadula sa telebisyon ng buhay ni Bayani.
At dahil may malinis na puso at mapagmahal na asawa, anak at ama, inaani ni Bayani ang bunga ng kanyang pinagdaanan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
10 hours ago
10 hours ago
Recommended