Actually, nag-promote pa si Assunta ng pelikulang yun a year ago kaya nagtataka siya kung bakit biglang nag-react ito.
"Saka di ba kung hindi man ako ang pinatatamaan niya tulad ng sinasabi niya, kahit na ang mother niya we have only one mother kaya dapat alam natin kung anong sasabihin sa kanila. At may kasabihan na dapat marunong kang lumingon sa pinanggalingan mo," dagdag ni Bong na although admitted siyang na-hurt pero tuloy pa rin ang shooting ng movie niyang entry sa Manila Film Festival, ang Vertud Ng Putik opposite Rochelle Pangilinan.
Ang impression kasi sa sinabi ni Assunta, nag-take advantage siya sa lovescene nila sa nasabing pelikula.
Hindi directly nanghingi ng sorry si Assunta kay Bong pero nag-text si Cong. Jules Ledesma kay Andrea (sister ni Bong) tungkol sa nasabing issue: Hi Anding sensya, HETO. This is Jules Ledesma. For the record:
1) Walang kasalanan si Bong. Mismo si Assunta nakabanggit nyan. Ask Bong I even thanked him that evening for being careful.
2) Assunta lays as do I all of the blame on the individuals who forced her to do the RESHOOT WHATEVER the reason. Sila ang me SALA. Pls. explain na lang na yun ang tinutukoy tungkol sa Rape. ALLEGORICAL PO; figure of speech ika nga. Ibig sabihihin dahil pilit, yun ang pakiramdam nya. Pero yung itinutukoy nya ang SITWASYON NIYA NOON AT yung pumilit sa kanyang gawin yung reshoot AND MOST OF ALL THE HER DESPAIR AND HELPLESSNESS THEN. I repeat ASSUNTA WAS FORCED. As to whom, ITS OF PUBLIC RECORD at PASIG RTC. Kap, la yan. Kool lang pards, Jules and Sam. Anding pasa mo to di lang sa barangay, para matapos na ito. K, thanks ingat girl. Kuya Jules.
Going back to Bong, ala-Matrix pala ang ginamit nilang effects sa Vertud. Mismong ang executive producer ng movie na brother ni Bong, si Marlon ang nagsabi na mas grabe ang mga special effects nila rito compared sa nauna nilang mga pelikula like Alamat. Umabot daw sa almost P20 million ang gastos nila rito, hindi pa tapos yun.
May mga eksena raw dito na nawawala sa putik si Bong na ngayon lang mapapanood sa local movie.
Main attraction din ang dance showdown nina Regine Tolentino and Rochelle sa pelikula na alam nating lahat na pareho silang magaling sumayaw. Kinunan ang nasabing eksena sa Celebrity Sports Plaza last Tuesday. By the time na binabasa nyo to tapos na ang shooting ng movie.
Anyway, finally na-realize na rin ni Maui ang matagal na niyang pangarap na role. In Joel Lamangans Huling Birhen Sa Lupa, siya si Cion, isang retardate who turns to be the talk of her sleepy seaside town nang mabuntis siya. Pero himalang nanatili siyang virgin. "Shes not really mentally retarded. Shes childlike and innocent and cant understand what is happening around her. Very challenging ang role and Im glad I was given the chance to play it," sabi niya.
Si Direk Lamangan ang tumulong sa kanya para ma-portray niya ng maayos ang role niya. "During the shooting, Direk Joel would tell me, Youre supposed to act like a 12-year old. He gave me pointers on how to put myself in the characters shoes. As a director, hes a good motivator. He was even able to make me cry in some of the scenes. E ako pa naman, ang hirap kong paiyakin because Im such a happy-go-lucky person in real life. Pero isang kausap lang sa akin ni Direk Joel, I was able to get into character."
Sila ni Ara Mina ang nagko-compete ng acting sa Huling Birhen Sa Lupa na official entry ng JAGGS Entertainment Inc. sa Manila Film Festival.
By the way, isa si Ms. LT sa guests sa birthday dinner na bigay ni Jinggoy Estrada sa Acacia the other night para sa birthday ni Ms. Lolit Solis.
Actually, parang reunion ng mga kaibigan ni Jinggoy ang nasabing party dahil present lahat sina Phillip Salvador, Rudy Fernandez at marami pang iba.