Inamin ni Marc na hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng kaliwat kanang projects. Member si Marc ng Star Circle Batch 10 na inilunsad noong October 2001. Since, naging bahagi na si Marc ng ibat ibang programa sa telebisyon. Una siyang nakasama sa K2BU at ngayon ay mainstay na siya ng Berks at ka-loveteam ni Hazel Ann Mendoza at Sarah Christophers.
Naalala tuloy ni Marc kung paano ang pinagdaanan niyang hirap para makapasok ng showbiz.
"Nag-audition ako noon sa Whattaporms ng MTB tapos nakita ako ng taga-Talent Center at pina-VTR ako. At that time po, nagti-train sila ng new batch, yung batch 10 nga. So yun, napasama na ako sa batch 10," kwento ni Marc.
"Natakot ako nong dina-dub ko na yung mga scenes ko. Talagang bad girl ako sa movie. Buti na lang, in the end, bumait na ako," kwento ni Heart.
May katwiran si Heart na matakot. Baka nga naman mag-react ang mga fans na iniidolo siya. Si Heart ay masasabing isa sa pinakasikat na teen star ngayon. Lalo siyang sumikat nang mabuo ang loveteam nila ni John Prats na nagsimula sa Berks.
Naging honest si Heart when asked kung totoong nagkakatampuhan sila ni John. "Kasi madalas din niya akong asarin. Alam nya kung gaano ako kapikon. Dapat alam din niya yun. Pero ganun lang po yun. Kasi every Saturdays naman, magkasama kami sa taping ng Berks.
"John remains to be the closest guy to me in showbiz. And ngayon, nagiging closer pa kami dahil sa mga nangyayari."
"Confident ako where I am sa puso ni John...naks!" reaksyon ni Heart.
Confident din si Heart sa nangyayari sa kanyang career. Bukod sa Berks, kasama rin siya sa Arriba, Arriba, ASAP Mania and her music cable show My MYX.
Ang Batch 11 ay kinabibilangan nina Paolo Paraiso, Pauleen Luna, Dustin Reyes, Carla Humphries, Sarita Perez de Tagle, Brian Tan, Juddha Paolo, Nica Peralejo, Valerie Martinez, John Barretto, Glaiza de Castro, Pascal Greco, Jill Yulo, Emman Abeleda, Mico Aytona, Rayver Cruz, John Wayne Sace, Sergio Garcia at Mhyco Aquino.
Sa Sunday ay may malaking launch ang batch na ito sa ASAP Mania.