Ang babae sa buhay ni Lander, bago si Regine

Mainit ang balitaktakan tungkol sa namamagitang alitan ngayon between Lander Vera Perez and his mom Bernadette, involving also Regine Tolentino’s mom Gina.

Marami ang nagri-react kung bakit pinayagan ni Lander na alipustahin ang kanyang sariling ina ng kanyang biyenang si Mommy Gina. Lumalabas na mas kinakampihan pa nito ang mother ng kanyang asawa kaysa sa sariling ina.

Sa kultura nating mga Pilipino, hindi natin nakagisnan o nakasanayan ang pambabastos sa ating mga magulang. In fact, kapag may umapi o nang-aagrabyado sa kanila, ilalaban mo sila nang patayan, di ba? Kaya marami ang nagtataka kung bakit umabot na sa ganito ang sitwasyon nina Lander, his mom Bernadette at mother-in-law Gina.

Late last week, nagkita kaming muli ni Kaye Santarina sa Club Filipino, Greenhills, San Juan. Launching yun ng Puerto del Sol Resort, Bolinao, Pangasinan. (For more information about this project, please call 364-7874) Alaga siya ni Tita Vera Isberto at magkakasama sila sa kwadra nina Jao Mapa, Julio Diaz at ang baguhang si Corazon Vargas.

Naging paksa ng usapan namin ang tungkol kina Lander at Mommy Bernadette. Very close pala siya sa mag-ina before, and in fact, inamin ni Kaye na nagkaroon sila ng mutual understanding (MU) ni Lander.

"But that was before Regine, in fairness. And when they got married, ako na mismo ang umiwas. Napadalas tuloy ang paga-abroad ko at marami akong inasikaso doon. Syempre naman, kahit paano apektado ako ng pagpapakasal nila.

"Mommy Bernadette is like a second mother to me. Magkalapit lang ang bahay namin noon sa Barrio Kapitolyo, Pasig. Madalas ako sa kanila at doon kami naging close ni Lander."

"Nakita ko noon yung magandang samahan nila kaya nagtataka ako kung bakit umabot sa ganito ang nagiging gap nilang mag-ina. I’m so sorry for what’s happening to them, sana’y maayos nila ang problema," ani Kaye.

Hindi ba siya natatakot na maakusahang nakiki-ride-on sa kontrobersya, for whatever purpose it may serve her? Baka isipin ng iba, for want of publicity, makikisawsaw siya sa isyu ng mag-ina.

"No, I don’t think so! Nagkataon lang na I was very close to both of them before. I’m not really happy with what’s going on between them now. I’m not naman after the publicity or something. Mas at home nga ako sa hosting job dahil matagal ko na itong ginagawa, eh.

"If a movie offer comes along, basta ba maganda ang role, why not? Ayokong magsalita nang patapos, pero sa ngayon, I still cannot imagine myself doing bold and sexy scenes on screen. Maybe I’ll cross the bridge when I get there," pagtatapos ni Kaye Santarina. Ben Dela Cruz

Show comments