^

PSN Showbiz

Di nagtitinda ng sigarilyo si Red Riviera!

- Veronica R. Samio -
Kung nadadaan kayo sa Stop & Shop sa Sta. Mesa, maaaring pamilyar na sa inyo ang mukha ng 18 taong gulang na ito na bida na agad sa kanyang unang pelikula sa Starlight Films na pinamagatang Bigay Hilig sa direksyon ng dating kasamahan sa panulat na ngayon ay direktor na sa pelikula na si Joven M. Tan.

Siya si Red Riviera, dating tindera ng sigarilyo sa isang waiting shed sa Stop & Shop. Palitan silang magtinda ng kanyang lola na nagpalaki sa kanya simula nung sanggol pa lamang siya at iwan siya ng kanyang mga magulang sa kandili nito– sila ng kanyang kuya. Amerikano ang kanyang ama, Bryan Polett at Pinay naman ang ina niya, Virginia Pones.

"Hindi ko na sila nakita simula nung umalis sila at pumunta ng States. Ayaw ko namang tanungin ang lola ko tungkol dito, tutal hindi ko naman sila nakagisnan at di ko rin sila kilala," anang bagong bold star na pagkakamalan mong 15 taong gulang lamang.

Si Red ay mina-manage ni Mystica. Nagsimula siya bilang dancer sa club nito sa Libis. Mga isang buwan na siya roon nang ipakilala siya nito sa producer ng Starlight Films.

Hindi nahihiya si Red na aminin na hanggang second year high school lamang ang inabot niya at nakatira sila ng kanyang lola sa isang squatter area sa Sta. Mesa. Pero, simula nang mag-artista siya ay tumigil na siya ng pagtitinda ng sigarilyo at nakikitira siya sa isang make-up artist. Nagtitinda pa rin ang kanyang lola pero, pinupuntahan niya ito para bigyan ng pera.

Sinabi ni Red na sa kabila ng hirap nila ay hindi niya naisip na mag-hostess. "Magtitinda na lang ako," sabi niya.

Sa Bigay Hilig ay may breast exposure siya. May love scene din siya kina Gardo Versoza at Carlos Morales. "Mahirap yung eksena namin ni Carlos dahil nagla-lovescene kami sa gitna ng isang sunog. Ramdam na ramdam namin ang init ng apoy habang ginagawa namin ang eksena," ani Red.
*****
Namumula si Ara Mina kapag naaalala na na-touch niya ang private part ni Jay Manalo sa isang eksena nila sa Huling Birhen sa Lupa na idinidirihe ni Joel Lamangan para sa Viva Films. Entry ito ng Viva para sa Manila Film Festival.

"Buti na lamang naka-plaster siya kung hindi, baka di ko alam kung ano ang gagawin ko. But then, I know he wouldn’t mind, alam niya naman na aksidente lang yun. Supposed to be pinupunasan ko muna siya, nililinis in preparation sa aming sex act. Pokpok kasi ako ng baryo pero malinis ako. Gusto ko, malinis lahat ng makaka-sex act ko," kwento ni Ara.

Kasama sa movie si Maui Taylor bilang mentally challenged younger sister ni Ara na nabuntis matapos ma-rape pero nananatiling isang birhen. Si Jay ang fake na pari na kasapakat ni Ara sa panloloko sa mga barrio people.
*****
Mapapaaga pala sa expected due delivery niya si Isabel Granada. Sa halip na sa May 28 siya manganak, mas maaga pa ang dating ng first baby nila ni Geryk Genaskey. Excited na rin ang mom ni Isa na si Mommy Guapa dahil first apo niya ito.

Marami ang natutuwa sa muling pagkakasundo ng mag-ina. Alam naman sa showbiz kung gaano sila kalapit na mag-ina bago dumating si Geryk sa buhay nila. I’m sure mas magba-bonding pa sila sa pagdating ng baby.
*****
Da best daw ang Chicago concert ni Gary Valenciano. Talagang patok! Mahigit na 500 na fans ang di nakapasok.

Ganun din daw ang nangyari sa Nashville. Kaya tuwang-tuwa raw ang producer dun ni Gary V. na si Danny Tinimbang. Walang patid ang pagtunog ng telepono niya na bumabati sa success ng kanyang pinrodyus na concert.

ARA MINA

BIGAY HILIG

BRYAN POLETT

CARLOS MORALES

KANYANG

NIYA

SILA

SIYA

STARLIGHT FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with