Belinda, nag-enjoy humiga sa Kiwi

Believe it or not, pero tumataginting na half a million ang talent fee ni Belinda Bright sa pelikulang Ang Kapitbahay under Imus Productions. Imagine half a million sa isang sexy star na second movie pa lang! Sobrang generous naman ang Revilla family na nag-produce ng pelikula.

Samantalang ‘yung ibang bold star, nagpapakamatay sa paggawa ng kung anu-anong gimik para lang mapansin at magkapelikula. Si Belinda walang effort para mang-agaw ng eksena pero bongga agad ang TF. Madali kasi siyang na-recognize ng mga producer particular na ang Imus Productions since gawin niya ang first movie niyang Ssshh…She Walks By Night. Actually, do’n siya napansin dahil hindi siya nagpaka-cheap sa promo. Sosyal ang pino-project niyang image noon dahil totoo namang nag-aaral siya sa St. Benilde.

Pero dahil naman sa pagbo-bold, hindi na siya makakabalik sa nasabing school dahil nga sa policy ng St. Benilde. "Okey lang besides, busy ako sa career ko. Pero pag nagkaroon ng chance na bumalik ng school tatapusin ko rin naman," she said.

In any case, four ang frontal nudity niya sa Ang Kapitbahay kaya I’m sure maraming excited na panoorin ang pelikulang ‘to.

Grabe rin ang lovescene nila ni Albert Martinez at Joel Torre. "Gentleman sila. I’m really comfortable working with them kasi kahit magagaling silang artista, very supportive sila," she said.

Anyway, maraming nagtatanong kung hindi raw kaya siya kinati nang humiga siya sa Kiwi fruit. Di ba parang may balahibo ang Kiwi?

Hindi raw naman nagreklamo si Belinda sabi ni Andrea Bautista, younger sister ni Bong Revilla ng Imus Productions. May nagbigay daw kasi ng Kiwi sa daddy nila (Senator Revilla) at hindi nila alam ang gagawin sa napakaraming prutas na ‘yun. Hanggang pumasok nga sa isip nila na magandang idea at puwedeng gamiting props sa pictorial ni Belinda. True enough, parang nag-enjoy si Belinda na kitang-kita sa kanyang pictorial. Ang gandang lumabas.

Kaya nga hindi na surprise kung sakaling may manggaya sa idea na baguhang bold star na gusto na namang magpapansin.

Like ito ngang si Maye Tongco na nag-theater tour ng naka-two piece lang. Ito namang starlet na si Rose Valencia, nag-pose ng ala-FAMAS trophy. Sus mapansin lang, kung anu-anong ginagawa. Kaya nga tamang-tama lang ang career strategy ni Belinda na mina-manage ni Ms. Jojo Galang.

In any case, Ang Kapitbahay ay dinirek ni Humilde "Meek" Roxas kung saan siya rin ang nagsulat ng script. Matagal na raw ang script na ‘to sa kanya, pero ngayon lang siya nagkaroon ng chance na gawin ang pelikula.
*****
Naging shoulder to cry on pala ni Nikki Valdez si AiAi delas Alas noong panahong ginagawa nila ang Ang Tanging Ina, launching movie ni AiAi. Ito raw kasi ‘yung time na inatake sa puso ang kanyang ina matapos manakaw ang kanilang van. "Sobrang sama ng loob ng mother ko no’n dahil nga nakarnap ang van namin. Pero inaassure namin siya na okey lang. Ang importante, buhay siya," she recalls.

Ngayon daw, medyo okey na ang mother niya. Physically and emotionally, na-accept na niya na mapo-provide nila uli ang van dahil kaya naman nilang bilhin ‘yun.

Naalala lang ‘yung ikuwento ni Nikki dahil nga sa pelikulang Ang Tanging Ina. Tungkol kasi sa isang ina (AiAi) ang kuwento ng pelikula na ginawa ang lahat, mailagay lang sa ayos ang kanyang isang dosenang anak.

"Iba kasi ang pakiramdam ng isang ina. Iba ‘yung inner happiness na nararamdam mo," sabi naman ni Ai Ai.

Kaya ngayon nga, ini-enjoy niya ang kanyang pagiging ina. Disciplinarian siya as in isang tingin lang niya sa mga anak niyang tatlo, takot na ang mga ito. "Pero pwede naman silang magsalita sa akin kung galit sila. Open ang communication namin," she adds.

Going back to Nikki, she admits na nalimutan na rin niya si Troy Montero. Hindi na raw siya affected kahit magkita pa sila. Tonight nga, guest si Troy sa OK Fine Whatever at wala na raw siyang napi-feel sa kanyang ex nang mag-taping sila although inaamin niya dati na mahirap kalimutan si Troy na minahal niya ng sobra noong sila pa.

Basta ngayon daw, trabaho lang muna ang inaasikaso niya. At mukhang maganda ang takbo ng career niya. Alam na niya ang direction - comedy ang tinatahak niya. Malamang na sumunod pa nga siya sa naging takbo ng career ng nanay niya sa Ang Tanging Ina, si AiAi na title holder ng pagiging comedy concert queen.

Magaling din kasi siyang kumanta at natural ang pagpapatawa niya na nari-recognize ng karamihan.

At any rate, kasabay ng showing ng Ang Tanging Ina sa May 28 ang Pakners nina Fernando Poe, Jr. and Efren "Bata" Reyes. Pero hindi afraid si AiAi kahit si Da King ang kabangga niya dahil alam niyang iba ang audience ni FPJ sa manonood ng Ang Tanging Ina under the direction of Wenn Deramas for Star Cinema.

Show comments