Takot iwan ni
Rochelle Pangilinan ang
Sex Bomb. Ang feeling niya, baka walang mangyari sa career niya pag iniwan niya ang grupo. Pwedeng-pwede na sanang mag-solo si Rochelle dahil maraming opportunity na ang dumarating sa kanya ngayon. Pero ayaw niya.
Si Rochelle ang leading lady ni
Bong Revilla sa latest movie ng actor na
Vertud ng Putik under
Imus Productions. Personal choice siya ng
Revilla family para makasama sa nasabing pelikula.